Sa pamamagitan ng isang ordine del giorno sa Camera, ang LEGA NORD ay inaaming ang 2% tax ng money transfer ng mga walang dokumentong dayuhan sa bansa ay walang katuturan. Ang solusyon? Ang maapektuhan din pati ang mga dayuhang may regular na permit to stay. Subalit ang gobyerno ay nag-aalangan.
Rome – Pati ang Lega Nord ay napag-isip isip ito, ngunit ngayon lamang lantarang inamin na ang buwis sa money transfer na naaprubahan sa mga bagong batas sa badyet (manovra) ay hindi maghahatid sa kaban ng bayan ng kahit na 1 €.
Ang bagong batas ng 2% ay makakaapekto lamang sa mga hindi regular na dayuhan. Isang kategorya na ayon sa batas ng seguridad ng Lega Nord dalawang taon na ang nakaraan ay maaaring makatanggap ng isang report (denuncia) kung gagamitin ang serbisyo ng money transfer.
Sa katunayan ang mga ito ay nakahanap ng ibang paraan ng pagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng paggamit ng permit to stay ng mga kaibigan o kakilala. Isang pamamaraan na maaaring magamit muli sa bagong buwis na ito.
Kahapon lamang sa Camera ay tinalakay ang pagiging batas ng mga bagong panukalang pang-ekonomiya. Ang teksto ay pinigilan at lumabas ang mga kahilingang susog bilang ‘ordine del giorno’ . Sa madaling salita ay humihiling ang mga deputees na tanggapin ito bilang pangako, kahit pa hindi maaaring pilitin itong tupdin ang mga ito.
Kabilang ang mga kasapi ng Lega Nord na sina kagalang-galang Alessandro Montagnoli, ang party head na si Marco Reguzzoni at Laura Molteni na naghanda ng mga susog na nakatuon sa mga bagong buwis sa remittances. Ang teksto ay nagpapaliwanag na maaapektuhan ang mga iligal na dayuhan, ngunit ipinapaalala rin na ang (kanilang) batas sa seguridad ay binigyang diin ang pagbabawal at paglalayo sa mga ito sa mga money transfer.
Matapos ang (muling) pagkakatuklas sa mga katotohanang ito, ay hinahanapan ang pamahalaan ng interbensyon. Paano? Sa pamamagitan ng “karagdagang hakbang sa regulasyon, upang muling tingnan o baguhin ang patakaran na may kaugnayan sa money transfer, palawakin ang kasalukuyang probisyon maging sa mga dayuhang mayroong INPS code at fiscal code. Sa madaling salita, nais nilang lapatan ng buwis kahit na ang remittances ng mga migranteng regular.
Ang pamahalaan ay tinanggap ang mga hinihinging susog, ngunit bilang mga “rakomendasyon”, isang paraan upang hindi maging epektibo ang mga ito. Marahil ay napagtanto ng mga ito kung paano magiging hindi madali ang mga indikasyon ng Lega Nord: isang karagdagang buwis na aapekto rin sa ipon ng mga migrante na magmumula sa kanilang kita na kinaltasan na rin ng buwis. Kung talagang ito ay ganito kadali, bakit hindi ito kaagad naisip ng Lega Nord?