Ito ay nasasaad sa Ordinansa na nagbibigay ng mga simplifications sa buwis. Ngayon ay nasa ilalim ng eksamen ng technical board at pagkatapos ay ang pirma ni Napolitano.
Roma, Marso 2, 2012 – Tinanggal na ang tax ng 2% sa mga money transfer o sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga bangko, at ng iba pang pinansiyal na mga ahensya.
Ito ay nasasaad sa fiscal decree ukol sa simplifications ng mga buwis. Tulad ng isinasaad sa ulat ng technical board sa panukalang-batas sa katunayan ay kinansela ang buwis ng 2 % ng halagang ipapadala na mayroong minimum tax ng 3 euro.
Gayunpaman, ay exempted mula sa buwis – pagpapaliwanag sa ulat – “ang sinumang mayroong serial code ng Inps at fiscal code at walang karagdagang buwis ang mga money transfer sa mga bansa ng EU, gayun din ang mga money transfer ng mga mamamayang nagbuhat sa EU mismo”. Para naman sa epektong dulot ng pagpapawalang-bisa nito, ay pinaniniwalaan, bagaman walang titak na numero, na hindi makabuluhan dahil sa mga exemptions nito.
“Ang iminungkahing pag-uurong ay nagmula sa pangangailangang – ayon sa paliwanag sa ulat lakip ang final draft ng fiscal decree – na mapanatili ang consistency sa mga commitments na ginawa ng ating bansa sa International level at upang maiwasan din ang makabuluhang pagbaba sa dami ng mga remittances sa mga non-EU countires, na higit na marami ang mga regular na money transfer sa hindi opisyal, walang awtorisasyon, walang seguridad, traceability at proteksyon maging ang pagbubuwis. Ang hindi opisyal na pagpapadala ng pera ay tinatantyang aabot sa 2 bilyong euro bawat taon.