in

2% tax sa remittance, tuluyang tinanggal

Pinatutupad ang  atas sa Fiscal Simplification na nagtatanggal ng  2% tax sa money transfer ng mga walang fiscal at Inps code. Nananatiling obligatory ang pagpapakita ng permit ot stay.

altRoma – Marso 5, 2012 – Simula noong nakaraang Biyernes ay pinatutupad ang decreto legge ukol sa Fiscal Simplifications  na nagtatanggal sa buwis ng mga remittances ng mga hindi regular na dayuhan.

Ang buwis ay nagsimula ilang buwan na ang nakalipas, batay sa naging ‘pakiramdam’ ng Lega Nord na sapilitang nagpapabayad ng stamp duty ng 2% ng perang ipinapadala sa ibang bansa.  Exempted, gayunpaman, ang mga EU nationals at mga non-EU nationals na mayroong Inps at fiscal code, samakatwid ng mga regular sa Italya.  

Ang gobyerno ni Monti ay tinanggal ito, at sinabing ang kanyang desisyon sa international commitments ukol sa pagbabawas ng mga gastusin  ng remittances. Ang mga remittances o pagpapadala ng pera sa sariling bansa ng mga migrante (regular man o hindi) ay tunay na isang mahalagang susi sa pag-unlad ng mga bansang pinanggalingan ng mga dayuhan, kailangan upang suportahan ang mga pamilya, pati na rin upang simulan ang mga maliliit na negosyo.

“Upang matupad ang mga international commitments ng Italya, bukod sa mga ginanap na G8 sa Aquila (8-10 Hulyo 2009) at G20 sa Cannes (3-4 na Nobyembre 2011) ang Artikulo 2, talata 35-g, ng dl ng 13 Agosto 2011, n. 138, sa mga susog, naging batas noong Setyembre 14, 2011, n. 148, ay pinawalang bisa ang isa sa ang mga subparagraphs ng Artikulo 3 ng dl n. 16/2012.

Nananatiling ipinatutupad ang lahat ng mga nasasaad sa batas para sa pagpapadala ng remittances, kabilang ang mga patakaran ng pacchetto sicurezza noong 2009, na nagnais na pahinain ang paggamit ng mga money transfer ng mga iligal na imigrante. Ang sinumang magpapadala ng pera sa ibang bansa, sa katunayan, ay dapat ipakita pa rin ang permit to stay, at kung hindi susunod ay dapat na iniulat sa pulis ng mga operators.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lega Nord: Tatlong buwan lamang para sa mga dayuhang nawalan ng trabaho

L’Italia sono anch’io – 50,000 signatures para sa reporma ng citizenship