Ang nulla osta para sa pagpasok ng seasonal worker sa Italy, ayon sa regulasyon, ay dapat i-release ng Sportello Unico per l’Immigrazione 20 araw makalipas ang aplikasyon.
Makalipas ang 20 araw na nabanggit at hindi magbibigay ng anumang komunikasyon ang Sportello Unico per l’Immigrazione sa employer, ang aplikasyon ay ituturing na tanggap o positibo sa pagkakaroon ng mga kundisong itinalaga ng batas.
Ipinatutupad sa Decreto flussi 2019, ang ukol sa kondisyon ng pagpasok at pananatili ng mga third country nationals bilang mga seasonal workers sa Italya.
Partikular, ang D.Lgs. 203/206 ay nagbigay susog sa artikulo 24 ng T.U.Imm. Ito ay tumutukoy sa silenzio-assenso o tacit consent na nagsasaad na “kung ang SUI, makalipas ang 20 araw mula sa petsa ng pagtanggap ng aplikasyon ng nulla osta, at hindi magbibigay ng anumang komunikasyon sa employer, (kung positibo o negatibo ang aplikasyon), ang aplikasyon ay ituturing na tanggap o positibo sa pagkakaroon ng sumusunod na kundisyon:
- Ang aplikasyon ay para sa dayuhang pinagkalooban na sa huling limang taon kahit isang beses ng nulla osta per lavoro stagionale sa parehong employer;
- Ang seasonal worker ay regular na na-hire ng employer sa nakaraang taon at nakasunod sa mga kundisyong hinihingi ng permit to stay.
Tandaan na ang nulla osta al lavoro stagionale ay balido ng mula 20 araw hanggang 9 na buwan mula sa araw ng pagpirma ng contratto di saggiorno. Sa panahong nabanggit ay maaaring magpalit ng employer sa kundisyong napapaloob pa rin sa panahon ng validity ng seasonla job.