in

22,000, inisyung permit to stay sa Roma sa loob lamang ng dalawang buwan

Mula sa Questura o police headquarter ng lungsod, 23,000 dayuhan ang sumailalim sa fingerprinting.

Roma, Marso 4, 2013 – 22,000 permit to stay ang inilabas sa unang dalawang buwan ng taon buhat sa tanggapan ng Immigrazione Questura di Roma, sa pangunguna ni Maurizio Improta, sa tinatayang higit sa 40,000 mga EU at non-EU nationals na bumisita sa nasabing tanggapan.

59 naman ang mga tinanggihang permit to stay dahil sa hindi nito pagiging kwalipikado o dahil sa kakulangan ng mga angkop na dokumentasyon sa kasalukuyan na noong una ay tinataglay pa sa first issuance nito. Samantala, 816  ang mga pinrosesong citizenship at 23,000 naman ang mga dayuhang sumailalim sa fingerprinting. Sa panahong nabanggit, ay tinatayang halos 1.232 mamamayang dayuhan  buhat sa iba’t ibang nasyunalidad; 961 non-EU nationals at 270 EU nationals, ang dinala sa tanggapan ng Via Teofilo Patini para sa mga pagsusuri. Kung saan, 545 non-EU nationals ang nanganganib ng expulsion at 183 naman ang EU nationals na binigyan ng order of expulsion.

Escorted hanggang sa sariling bansa ang 11 dayuhang buhat sa kulungan  at escorted din ang 146 dayuhan buhat naman ng CEI ng Ponte Galeria.

Ang awtoridad, sa pakikipag tulungan ng ilang mobile police at kinatawan ng tanggapan ng Procura di Roma, ay nagpahintulot sa pag-aresto ng 13 dayuhan at 29 report naman ang inihain sa kasong aiding illegal immigration.  Sa panahong nabanggit ay nagpapatuloy rin ang proseso sa mga administrative position ukol sa humanitarian urgency ng mga pagdaong buhat sa North Africa, gayun din ang posisyon ng 1328 dayuhan na humihiling ng internation protection sa huling dalawang taon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Birthday Party Celebration of the Decade”, usap-usapan sa Tuscany

Citizenship:Kabilang sa walong puntos ni Bersani