in

22,5 billion euros mula sa trabahong di deklarado ng mga imigrante

Ito ang halagang hatid ng iligal na mga imigrante, gayun din ng mga mayroong permit to stay ngunit hindi deklarado ang trabaho. Pagsusuri ng Eurispes.

altRoma, Abril 2, 2012 – Katumbas ng 540 bilyong euro, (o 35% ng ‘official’ GDP), ang halaga ng black o hidden economy sa taong 2011. Halos 22,5 bilyong euros nito ang nagmula sa trabaho ng mga imigrante.

Ito ay isang kalkulasyon ng ‘Italy in Black Economy’, ang Ulat ukol sa black o hidden economy ng bansa at ginawa ng Eurispes at Institute of St Pius V sa Rome.

Kung ang daloy naman ng mga pera mula sa hindi deklaradong trabaho, ang kalkulasyon ay halos 280 bilyong euros. Napag-alaman na halos 35% ng mga empleyado ay napipiltang magkaroon ng dalawang trabaho upang umabot hanggang sa katapusan ng buwan. Ito ay nangangahulugan, ayon sa Ulat, halos anim na milyong empleyado, sa apat na oras bawat araw para sa 250 days, ay naghahatid ng black market ng 90.956.250.000 euros.

Parehong kalkulasyon ang ginamit sa mga imigrante na may regular na permit to stay ngunit nagta-trabaho ng di-deklarado, na maaaring maghatid sa black economy ng 12 bilyong euro. Kung isasaalang-alang ang mga clandestines naman ay kinalkula ang black economy na aabot sa 10 bilyong euro at kalahati.

Sa Ulat ay ipinaliwanag ang  pagkakaiba sa pagitan ng black economy at tax evasion :ang ang black economy ay sumasaklaw sa legal na produksyon ng mga bagay o serbisyo na hindi lumilitaw sa accounting ng bansa, na nauugnay sa tax evasion, contribution evasion at paggamit sa trabahong di deklarado. Ang tax evasion ay ang quantification ng kakulangan ng deklarasyon, kusang loob na pagtatago, parsyal man o hindi ng dapat na bayarang buwis.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Senado, pabor sa mga bagong regulasyon

Pilipinas, record sa ginanap na Earth Hour