in

30 libong entries para sa Decreto Flussi 2017! Magbubukas nga ba ang bansang Italya?

Nalalapit na ang mga itinakdang click days ng dekreto, para sa seasonal, conversion at ang mga quota ng ‘entries’, tulad ng inaasahan ay kakaunti lamang. Samantala, patuloy na tumataas ang irregularities. 

 

Marso 10, 2017 – Decreto Flussi 2017? Walang pagbabago sa nakaraan. Ito ay halos nakalaan lamang sa mga regular na nasa Italya na o sa sinumang papasok sa Italya para mag-trabaho ng ilang buwan at pagkatapos ay muling babalik sa sariling bansa. Napakaliit ng pagkakataon para sa mga nais magpunta sa Italya at magkaroon ng trabaho at walang pag-asa naman para sa mga nasa Italya na at walang permit to stay, maaari lamang mag-trabaho ng ‘nero’ at maghintay ng pagkakataon upang maging regular. 

Nakatali umano ang kamay ng mga eksperto ng Ministry of Labour, na taun-taon ay nagtatalaga ng ‘quote’ ng dekreto. Ang gobyerno naman ay kumbinsido na ang Italya ay mayroong mataas na bilang ng unemployment upang magbukas ng kanilang mga pinto para sa mga banyagang manggagawa, ngunit hindi man lamang sinubukan ang magplano sa mekanismo ng influx na nasasaad sa Test Unico per l’Immigrazione at samakatwid ay hindi maaaring umiwas sa bilang o quota noong 2016. Dahil dito, mayroong 30,000 quotas ang kasalukuyang dekreto. 

Gayunpaman, higit sa kalahati ng nabanggit na quota ay nakalaan sa mga seasonal workers, isang malaking bahagi ay nakalaan naman sa conversion ng mga permit to stay mula sa studio o stagionale sa autonomo at subordinato. Tanging ang mga natitira ang hinati para sa self-employment at pagpasok ng special category, tulad ng mga workers na naka-kumpleto ngformation courses sa sariling bansa o ang mga lahing may Italian origins tulad ng South Americans. 

Ito ay ang framework na iminungkahi ng Immigration Department ng Minsitry of Labor sa pagtitipon kasama ang mga unyon at asosasyon ng mga employers. Ito rin ang pagkakataon upang siyasatin ang kasalukuyang sitwasyon ng decreto 2016, na isa muling patunay ng pagkabigo na pagsalubungin ang labor demand at labor supply.

Ang Ministry ay hindi naglahad ng datos ukol sa mga aplikasyong natanggap, bagkus ay naglahad naman ng kapaki-pakinabang na bilang hanggang noong nakaraang Oktubre 10, 2016, maliban sa lavoro automono na ang humawak ay ang Farnesina. Para sa seasonal workers ay pumalo sa halos 60%, bumagsak naman sa 20% ang conversion, at para sa non-seasonal entries ay mas mababa pa sa 1%. Tunay na may panahon pa hanggang Dec 31 sa pagsusumite ng mga aplikasyon, ngunit kung ang ‘quota’ ay mabagal na nakonsuma ay tila mahirap na maganap ito sa pagtatapos ng taon.  

Samantala, sa huling tatlong taon ay pumalo sa kalahating milyon ang nakipag-sapalaran sa Italian costs. Malaking bilang ng mga ito ay mga refugees at may karapatan sa International protection, ang iba naman ay migrante na naghahanap ng trabaho at walang ibang paraan upang makarating sa Italya kundi ang patulan ang sindikato at makipagsapalaran sa pagtawid gamit ang bangka. Para sa batas sila ay hindi regular at hindi maaaring magkaroon ng trabaho kundi ‘nero’. 

Bukod sa kanila, napipilitan ding mag-trabaho ng ‘nero’ pati ang mga imigrante na, dahil sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya, ay nawalan ng trabaho na syang pangunahing garantiya sa pagkakaroon ng permit to stay. Tinatayang 400,000 katao, ayon sa unyon. Nais ng batas na maglaho ang bilang na ito at bumalik sa sariling bansa, kasama ang pamilya at talikuran ang lahat ng naipundar sa bansang ito. 

Ang mga nabanggit ay pawang mga problema na hindi kayang solusyunan ng isang decreto flussi, lalong higit ng isang napaka kuripot na decreto flussi na mayroon sa ngayon. Maaari lamang magpatuloy sila sa pagdami habang patuloy din sa pagkukunwari ang administaryon an hindi sila nakikita at magtuloy-tuloy ang kawalan ng anumang uri ng access sa regular employment. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dayuhang kabataan, magpa-patrol kasama ng awtoridad sa Milan

Pagpasok ng 1160 non-Europeans athletes, aprubado!