in

30% ng mga kabataang imigrante ay hindi nag-aaral at hindi rin nagta-trabaho

Ang sitwasyon ng mga kabataang Italians ay hindi nalalayo: ang rate ay 25.9% kumpara sa 15.7% ng EU average.

altRoma, Mayo 30, 2012 – Higit sa 40% ng mga kabataang dayuhan ay iniiwan ang pag-aaral ng maaga at halos 30% ay ang tinatawag na neet (not in Education, Employment or Training), sa madaling salita, mga tambay.

Ang mga detalye ay buhat sa Pangulo ng ISTAT na si Enrico Giovannini, at binigyang –diin kung paano ang Italya ay lumulikha ng ‘social exclusion’.

Ang sitwasyon ay hindi nalalayo sa mga kabataang italyano: ayon sa pag-aaral ng Confartigianato ang Italya ay isang record kung mga kabataang inactive ang pag-uusapan sa mga bansa ng Europa.  

Ang rate ay 25.9% kumpara sa 15.7% ng average sa EU. Halos 2 milyong mga kabataan (1.9400.000) sa pagitan ng 25 -34 taon ay hindi nagta-trabaho at hindi rin nag-aral.

Sa pagbibigay ng naging resulta ng pinakahuling census ay ipina-alala ni Giovannini kung paano sa sampung taon ay tumaas ang populasyon ng Italya at ito ay dahil lamang sa mga dayuhan. Ang imigrasyon ay isang mahalagang factor upang masiguro ang kinabukasan ng bansa, ngunit ang naging ‘bilis’ ng mga proseso ay nagdulot ng mga problema dahil walang naging oprtunidad upang ‘gamitin’ ang mga ito tulad ng ginawa ng ilang bansa”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

One-third ng mga bilanggo ay pawang mga dayuhan

Pre-enrollment sa mga unibersidad sa Italya, simula na sa mga Italian embassies