in

300 hanggang 600 euro kada taon, epekto ng tatlong fiscal maneuvers sa pamilyang imigrante

Ang survey ng Moressa Leone Foundation, sa pamamagitan ng isang espesyal na modelo, ay sinuri nang detalyado ang mga piskal na epekto ng bawat maneuvers na magreresulta sa apat na taon 2011-2014 sa badyet sa dalawang uri ng pamilyang migrante.

altRome, Ene 18, 2012 – Ang tatlong fiscal maneuvers na mula noong nakaraang summer ay magiging sanhi ng mas mabigat na pasanin sa badyet ng mga dayuhang pamilya katumbas ng halos kalahating buwang sahod kada taon: kung sa taong 2012 ang over taxing ay halos € 300 sa 2014 (kapag ipinatupad ang lahat ng nababanggit sa batas) ay tinatayang € 438 para sa isang pamilya at € 578 para sa isang pamilya na mayroong apat na miyembro.

Ito ang resulta ng isang pag-aaral  ng Moressa Leone Foundation, sa pamamagitan ng isang espesyal na modelo, na sinuri nang detalyado ang mga piskal na epekto ng bawat maneuvers na magreresulta sa apat na taon 2011-2014 sa badyet ng dalawang uri ng mga banyagang pamilya. Para sa isang pamilya na binubuo ng isang tao lamang ay tinatantya ang isang pagtaas ng ng € 106 para sa 2011, sa 260 € para sa 2012, ng € 399 para sa 2013 at € 439 sa 2014.

Partikular, ang pagtaas ng 48.5 euro bawat taon ng karagdagang regional income tax Irpef, lalo na sa over taxing ng taong 2011 (45.5% ng maggiore tassazione), habang ang pagtaas ng rate ng VAT, na naging sanhi ng pagtaas sa 2011 ng buwis ng halos € 10, at sa taong 2014 ay tataas hanggang 237 €, magpapabigat ng 54.1% ng kabuuang pagtaas sa mga buwis. Ang pagtaas sa gasolina ay aabot ng 90 € ng taong 2012, habang ang 26 euro kada taon ang ibabayad sa taong 2011 para sa car insurance.

Ang pagtaas sa mga additional municipal income tax (Irpef) ay aabot sa 55 € sa taong 2012, habang ang mga buwis sa serbisyo ng basura ay mararamdaman lamang sa 2013, isang pagtaas ng 18 €. Para sa maliit na amount ng pera na inilagak sa bank account, sa halip ang mga banyagang pamilya ay exempted sa pagbabayad ng stamp duty (-34 euro) at hindi sila apektado ng pagpapatupad ng IMU, dahil karamihan sa kanila ay umuupa lamang ng appartment.

Ang mayroong isang kita lamang na pamilyang dayuhan,  na binubuo ng tatay, nanay at dalawang sustentadong mga anak, ay makakaramdam ng pagtaas sa buwis mula sa € 119 sa 2011, at aabot sa halagang  € 317 sa 2012, sa 519 € sa 2013, hanggang sa 578 € sa taong 2014. Muli, kung sa 2011 ang karagdagang regional income tax (Irpef) ang sanhi sa over taxing (+53,5 euro), mula sa 2012 ay magiging ang municipal income tax ang record sa pinakamalaking gastos (+60, 6 €).

Tungkol sa pagtaas ng VAT, ang epekto sa 2011 ay limitado pa rin (18 €), habang sa mga susunod na taon ay unti unting magiging mabigat:  +123 sa 2012, +305 sa 2013 at € 365 sa 2014, taon kung saan aabot sa 63.1% ang pangkalahatang pagbubuwis. Para sa pamilyang halimbawa, mula sa 2013 lamang, magkakaroon ng buwis sa mga serbisyo at basura (+19,5 euro).

Para sa mga nag-mamay-ari at gumagamit ng mga kotse ang pamilya ay mararamdaman ang increase para sa pagtaas ng mayroong 1 miyembrong pamilya, dahil sa hindi pagkakaroon ng bayad sa stamp sa bank account pati buwis sa bahay dahil umuupa lamang. ”Ang tatlong fiscal maneuvers na ginawa sa huling tatlong buwan  (Hulyo-Agosto at Disyembre ng pamahalaan ni Berlusconi at ng pamahalaan ni Monti) ” tiniyak ng mga mananaliksik ng Moressa Leone Foundation  na hindi na nila kinunsidera ang nahihirapan ng mga pamilya ng dayuhan. Sa susunod na tatlong taon ang over taxing ay mararamdaman ng mga pagpapatupad higit ng hindi direkta kaysa direkta:  sa katunayan, ang higit na epekto ay hindi ang buwis sa kita (na mababa nà), ngunit sa halip sa antas ng consumption, tulad ng pagtaas sa gasolina at VAT rate.

Ang hindi pagkakaroon ng anumang ari-arian at magkaroon ng mababang ipon, gayunpaman, ay nagpapahintulot sa mga dayuhan na maging exempted sa IMU at ang stamp duty sa kasalukuyang bank account. Gayunpaman, ang mga probisyon sa bagong buwis ay kakain ng kalahating sahod kada buwan sa isang taon sa mga bagong buwis, na nakakaapekto hindi lamang sa ipon kunsi sa pagbabawas sa pagkonsumo ng mga dayuhang pamilya. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

296 Filipino seamen ready for repatriation

Form Unilav sa halip na form Q para sa renewal ng mga permit to stay