in

32,000 dayuhan tinanggal sa Civil Registry ng 2011

Patuloy ang pag-alis ng mga dayuhan sa Italya, dahilan ng pagtatanggal sa listahan ng Civil Registry (Anagrafe) na tumaas ng 15.9% kumpara sa taong 2010.

Roma – Pebrero 4, 2013 – Ang mga data ay ukol sa dinamika ng migrasyon sa Italya, isang bagong trend na naaayon sa kritikal na lagay ng ekonomiya na tumama sa Italya at ibang bansa sa Kanluran simula 2008. Ayon sa mga huling datos ng Istat, sa katunayan, ang pagtatanggal o kanselasyon sa civil registry office ng mga mamamayang dayuhan ay tumaas sa taong 2011, habang ang mga nagpatala naman ay bumabà.

Ang Moressa Foundation ay nabahala na ang mga dayuhan ay umaalis mula sa Italya. Ang pag-alis na ito ng Italya ay hindi nauunawaan kadalasan. Iniisip na dumating na ang konklusyon ng kanilang migrasyon at bumabalik na sa sariling bansa, ngunit kadalasan ay ipinagpapatuloy ang eksperiensang ito sa ibang bansa, na maaaring magbigay ng mas magandang oportunidad at mga pagkakataon.

Ang mga dayuhan ay nagtutungo sa mas malaking bansa. Ang higit sa kalahati ng mga dayuhan na umalis sa Italya upang hanapin  ang kapalaran sa ibang bansa o sa sariling bansa ay pawang mga Europeans. Ang 17.7% ay pawang mga Asians at ang 12.2% naman ay pawang mga Africans.
 
Ang mga dayuhan na umaalis ayon sa citizenship. Higit sa 19,000 ay tinanggal dahil sa kahilingan ng mga mamamayang Europeo, na higit sa 1/3 ay pawang mga Romaninas. Samantala, sa mga Asians naman ay 30.2%  ang pawang mga Chinese at 19.1% naman ay pawang mga Indians. Samantala, sa mga Americans naman, lalong higit ang mga Brazilinas , 21.5%, ang umaalis ng Italya. Tila ang mga umaalis at iniiwan ang bansnag Italya ay buhat sa mga developing countries, at dahil dito ay maaaring isiping hangarin ang pagbabalik sa sariling bansa higit sa paglipat lamang sa ibang bansa.

Pagbabago sa bilang ng mga kanselasyon sa taong 2010 at 2011. Ang pagtatanggal o ang kanselasyon sa buong bansa sa taong 2011 kumpara sa taong 2010 ay tumaas sa 15.9%. Ang pagtaas sa bilang ng mga umaalis sa Italya ay sumasaklaw sa lahat ng nationalities, ngunti may naitalang bahagyang pagbabà sa kanselasyon tulad ng mga Bangladesh (16.95%).

Ang mga dahilan ng pag-alis. Ang isang paliwanag ukol sa malawakang paglisan sa bansang Italya buhat sa malaking bahagi ng populasyon ay walang dudang ang epekto ng krisis sa ekonomiya na tumatama rin maging sa trabaho ng mga dayuhan. Sa pagitan ng 2008 at 2011, sa katunayan, ang bilang ng mga nawalan ng trabaho ay nadoble, isang pagtaas ng 148,000 (+91.8%), habang ang mga Italians naman ay tumaas ng 267,000. Sa pagitan ng 2008 at 2011 ang unemployment rate ng mga dayuhan ay tumaas ng 3.6 %, mula sa 8.5% sa 12.1%, habang sa parehong panahon naman ang unemployment rate ng mga Italians ay tumaas mula sa 6.6% sa 8.0%.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang ‘contributo di licenziamento’ ay isang bitag – UIL

14 na nominasyon sa 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards