in

385,000, mga dayuhang walang trabaho sa Italya

Babalà ng Ministry of Labor: "Higit na apektado ng krisis ang mga imigrante kaysa mga Italians." Lumalalà din ang kwalidad ng trabaho at ang sahod. Narito ang ulat.

Rome – Hulyo 17, 2013 – Ang mga dayuhang manggagawa ay higit sa 2,3 milyon ang may trabaho, ang 10 % ng kabuuan. Ngunit ilang indicator, simula sa bilang ng mga walang trabaho, “ay nagpapahiwatig kung paano apektado ng krisis ang mga imigrante."
 
Ang ulat “Terzo rapport annuale sugli immigrati nel mercato del lavoro in Italia", sa pangunguna ng Direzione Generale dell’Immigrazione e delle Politiche di Integrazione del Ministrero del Lavoro, ay inilahad ito kamakailan.   

 
Ang populasyon ng mga EU nationals na nagtatrabaho at may edad na 15 taon pataas, noong 2012 ay umabot sa 1,2 milyon at 2,7 milyon naman ang mga non-EU nationals. Halos 2 milyon at 334 libo ang mga dayuhang mayroong trabaho. Kumpara noong 2011, ay naitala ang pagtaas ng okupasyon ng mga dayuhan sa 82 libo katao, kasabay ng pagbaba ng okupasyon sa 151 libong mga Italyano, sanhi ng 69 libong diperensya sa pagitan ng mga ito.
 
Ang pagtaas ng employment ng mga dayuhan ay higit sa EU nationals 3,9% at ang mga non-EU nationals ay 3,6% naman, gayun din kung isasaalang-alang ang mga sektor, sa pagitan ng 2011 at 2012 ay naitala ang pagbabà ng okupasyon ng mga dayuhan sa industriya (-2,8% para sa EU nationals at -2,6% naman para sa non-EU nationals), sa konstruksyon (-3,1 % para sa mga EU nationals at -0,4% naman ang para sa mag non-EU nationals), habang tumaas naman ang okupasyon sa service sector (+6,4%).
 
Kabaligtaran naman dahil ang mga dayuhang naghahanap ng trabaho sa taong 2012 ay halos 385,000 (halos 120,000 ang mga EU at 265,000 ang mga non-EU) at ang rate (14%) na labis ng 4 na puntos ay para naman sa mga mamamayang Italyano. Kumpara noong 2011 ang mga dayuhan na naghahanap ng trabaho ay tumaas sa 19,2%  para sa EU nationals at ang 25,4% naman ang mga non-EU nationals. 
 
"Sa madaling salita – ayon sa ulat – ang unemployment ng mga dayuhan, sa mahabang yugto ng krisis, ay nagpapahiwatig ng isang nakakabahalang sitwasyon”. 
 
Kung isasaalang-alang, sa katunayan, ang huling tatlong-taon ng 2010-2012, ang mga EU nationals na naghahanap ng trabaho ay nadagdagan ng higit sa 35,000, habang ang pagtaas sa bilang ng mga non-EU nationals ay higit sa 72,000 katao. 
 
Hindi tulad ng populasyon ng mga Italyano na nabawasan ang pagiging aktibo, ang kaso ng mga dayuhang naitala sa pagitan ng 2011 at 2012 ay isang pagtaas. Ang EU nationals ay tumaas ng 15,000 at ang non-EU nationals naman ay tumaas sa 71,000 at halos maabot ang tinatawag na tasso di attività (o ang relasyon ng job offer sa edad na nagta-trabaho) ng italian population (62,9%) ang sa mga dayuhan (75,4% EU at 68,4% non-EU).
 
Noong 2008 ang mga dayuhan na naghahanap ng trabaho ay 162,000 kung saan 94,000 ang mga kababaihan at 67,000 ang mga lalaki. Sa taong 2012, 383,000 naman ang mga walang trabahong mga dayuhan kung saan 193,000 ang mga babae at higit naman sa 190,000 ang mga lalaki. “
 
"Hindi lamang, samakatuwid, sa limang taon ng krisis, tumaas ang unemployment nang higit sa 220,000, ngunit ang pagtaas ng bilang ng mga lalaki (higit na 123,000 na walang trabaho) ay isang senyales ng mga bagong kaganapan, isang malakas na social destabilization para sa lahat ng komunidad ng mga banyagang ", ayon sa mga mananaliksik.
 
Ang pagtaas ay dahil na rin sa pagpapaalis ng mga banyagang manggagawa bilang manufacturer kung saan maaaring idagdag ang mga kabataang – dating hindi aktibo – karaniwan ay ang ikalawang henerasyon – sa transition period mula sa paaralan hanggang sa pamumuhay bilang adult at professional. Ito samakatwid, ay may epekto sa mga dayuhan, lalong higit sa mga nasa industrial sector, gayun din, bagaman hindi malakas ang epekto, sa mga dayuhang nasa service sector.   
 
Ang unemployment ay hindi lamang nag-iisang aspeto kung saan nararamdaman ang krisis. 
 
Noong 2008, 29% ng mga banyagang manggagawa ay nagta-trabaho sa mababang antas, na sa taong 2012 ay umabot sa 34% habang bumababà naman ang bilang ng mga skilled workers mula 8,2% ng 2008 sa 5,9 5 ng taong 2012. Bukod dito, sa taong 2012, ang 41% ng mga manggagawang dayuhan ay nasa mas mababang uri ng trabaho kumpara sa kanilang natapos, bilang na tumataas dahil noong 2008 ay 39% lamang. Kung oras naman ng trabaho ang pag-uusapan, sa taong 2008 ay 7% ang mga dayuhang manggagawa na underemployed at noong 2012 naman ay tumaas sa 10,7%, mas mataas ng 6 na puntos kumpara sa mga Italians. 
 
Ang kundisyon ng trabaho na maituturing na disadvantage ay makikita sa net salary, na mas mababa ang average para sa mga dayuhan. Napatunayan noong 2012 ay 968 kumpara sa 1.304 ng mga Italyanong manggagawa (-336 euros). Noong 2008 ang net salary ng mga dayuhang manggagawa ay halos 973 euros lamang kada buwan, ngunit ang pagkakaiba sa net salary ng mga Italians ay higit na mas mababa, katumbas ng 266 kada buwan. 
 
 
 
 
 
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“STOP CHINA’S INVASION OF THE PHILS.” PROTEST RALLY, NAKATAKDANG ISAGAWA SA HULYO 25 SA ROMA

Undocumented sa Italya, mabibigyan ba ng medical card o tessera sanitaria?