in

€ 500 bonus cultura para rin sa mga kabataang imigrante, batas na!

Ganap na inaprubahan ng Parliamento ang bonus cultura para sa mga kabataang dayuhan. Dekreto na lamang ang kulang upang tuluyang simulan ang pagbibigay nito. 

 

Roma, Mayo 27, 2016 – Tunay na masayang pagdiriwang pagsapit ng 18 anyos. Dahil lahat ng mga kabataan, pati mga kabataang dayuhan, lahat sila ay makakatanggap na rin ng 500 euros buhat sa estado para sa bookstores, theaters at museums.  

Ang bonus cultura, inaprubahan ng gobyerno sa Stability law ay unang inilaan sa mga kabataang Italyano at Europeans lamang, ngunit sa ngayon ay nakalaan na para sa lahat dahil ang Chamber of Deputies ay ganap na inaprubahan ito kamakailan sa pagsasabatas ng decreto scuola, at tuluyang nagtatanggal sa diskriminasyon sa pamamagitan ng pagbibigay din nito sa mga dayuhan. 

Ang bonus ay para sa lahat ng residente sa Italya na magiging 18 anyos ngayong taon ng 2016, nagtataglay ng balidong permit to stay. Tinatayang aabot sa 576.953 ang mga kabataang makikinabang ng bonus cultura, kung saan 24.305 ang mga kabataang non-European ang nasyunalidad. Ito ay magkakahalaga sa estado ng 290 million euros

Naging maingay at hindi makatwiran ang hindi pagbibigay nito noong una sa ikalawang henerasyon. Matatandaang ayon kay premier Renzi, ang bonus ay “isang handog sa mga kabataan sa pagsapit sa wastong edad, lalong higit ay ang paraan ng estado upang gawing higit na responsabile ang mga tagapagmana ng cultural heritage ng mundo”, ngunit nakalimutan sa yamang ito ang mga maituturing na tunay na Italians, ngunit hindi pa rin ayon sa batas. 

Kasabay ng mga protesta ng mga stakeholder, agenda sa Parliament, ilang pagtatangkang hindi nagtagumpay mula sa oposisyon na solusyunan ang problema, ngunit sa bandang huli, sa kabila ng mabagal na pagkilos ng majority ay umatras ito. Bale-wala ang hadlang ng Forza Italia at Lega Nord sa susog sa pagsasabatas ng decreto scuola at inaprubahan ito.  

Pansamantala, ang mga anak ng mga imigrante ay pantay-pantay at lahat ng magiging 18 anyos ay umaasa sa paglabas ng decreto buhat sa Premier na magbibigay daan sa pagtanggap ng bonus cultura. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buwis ng permit to stay, “Dapat bayaran ang pinsala sa mga imigrante”

Ilang Pinoy sa Milan, nabiktima gamit ang hipnotismo