Susog ng Gobyerno sa decreto scuola, nagtatanggal ng diskriminasyon. Matatanggap ng lahat ng 18 anyos at regular na residente sa Italya.
Roma, Mayo 4, 2016 – Tawagin na lamang itong mahusay na pag-atras dahil sa wakas, ay itinama ng gobyerno ang bonus cultura para sa mga 18 anyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng 500 euros maging sa mga kabataang dayuhan para sa mga libro, museo at theatre.
Matatandaang nasasaad sa Stability law, ang bonus ay hindi matatanggap ng mga anak ng mga imigrante dahil nakalaan lamang sa mga kabataang Italyano at Europeo. “Isang malalang diskriminasyon, lalong higit sa mga kabataang Italyano na nagtataglay ng permit to stay”, ayon sa Rete G2 Seconde Generazioni sa Stranieriinitalia.it.
Inamin naman ng majority ang kanilang pagkukulang ngunit hanggang sa kasalukuyan ay walang konkretong aksyon upang itama ito. Samantala, ilang buwan matapos ang preparasyon, sa nalalapit na paglalahad ng implementing rules and guidelines sa pagpapatupad ng bonus, tulad ng una ng inanunsyo ni Matteo Renzi at ng undersecretary na si Tommaso Nannicini na nakatutok dito.
Kamakailan lamang, isang magandang balita para sa lahat. Sa Senado sa okasyon ng pagsasabatas ng ‘decreto scuola’ (dl 42/2016 “Funzionalità del sistema scolastico e della ricerca”), isang susog sa Public Education and Cultural Heritage Committee ang isinulong ng gobyerno
Ang susog ay direktang para sa Stability law, at tinatanggal ang anumang requirement ng citizenship ng mga kabataan. At kung, tulad ng inaasahan, ay maaprubahan, ang bonus cultura ay ibibigay rin sa lahat ng kabataang residente sa bansa, mayroon, kung kinakailangan, ng balidong permit to stay” at magiging 18 anyos sa taon ng 2016.
Dalawang linya, sapat na upang tanggalin ang isang kawalan ng katarungan at hindi rin kailangan ng anumang halaga. Ginawa ang kalkulasyon ng State accounting office at nagbigay ng pahintulot: ang 290 million euros na ibibigay na bonus ay sapat ng regalo maging para sa mga dayuhang kabataan (“stranieri a chi? Marahil na magiging katanungan nila….)