in

50,000 pirma para sa isang bagong batas: Citizenship at karapatang bumoto para sa mga dayuhan

altRome – Sa nakaraang Maturità (high school leaving examination), ang lahat ay mga estudyanteng iisa ang naging programa sa katatapos lamang na school year.  Ang mga pangunahing personalidad na Italyano tulad ni Dante Alighieri at Leopardi at mahalagang bahagi ng storya tulad ng Risorgimento at Fascismo ang kanilang pinag-aralan. Ngunit kalahating milyon ng mga kabataang ito (marahil ay pinag-aralan din ang art. 3 ng Constitution), tulad ng kanilang mga kaklase, ay mga ipinanganak o lumaki sa Italya kahit pa na ang mga magulang ay mga dayuhan, ngunit pagsapit ng edad na 18 ay dapat hilingin ang isang napaka halagang bagay para sa kanilang kinabukasan… ang citizenship o ang pagiging ganap na mamamayang Italyano.

Halos 8 sa bawat 100 mga kabataan sa mga paaralan sa Italya – isang milyon ang mga anak ng dayuhan na lumaki sa Italya, kalahating milyon naman ang mga ipinanganak sa Italya – ay nabubuhay ng walang katarungan dahil sila ay bahagi na rin ng bansang Italya.

“L’Italia sono anch’io”, ito ang nasasaad sa mga kampanya para sa karapatan ng citizenship at sa karapatang  bumoto para sa ika-150 anibersayo ng pagkakabuklod ng bansa.

Mula sa Arci hanggang sa ACLI, mula sa mga asosasyon ng  legal studies on immigration hanggang sa Caritas, mula Center Astalli hanggang CGIL, mula editor Carlo Feltrinelli hanggang sa Sei UGL, mula koordinasyon ng mga lokal na awtoridad para sa Kapayapaan at Human Rights hanggang sa Federation ng mga Simbahan Evangelinche , ang Network ng G2 hanggang Peace Table. At pagkatapos ay ang CNCA, ang March 1 Committee, Migrantes Foundation at marami pang iba. Mayroong iisang layunin: ang ilunsad simula sa Setyembre, ang isang malaking kampanya sa pangongolekta ng mga lagda o pirma bilang soporta sa dalawang bill (proposta di legge) na inisyatiba ng mga mamamayan.

Ang una ay ukol sa citizenship at ang pag-tatama ng “jus sanguinis” sa “jus soli” kung kaya’t ang sinumang ipinanganak sa Italya mula sa isang magulang na legal na naninirahan sa Italya ng isang taon ay dapat na may italian citizenship. Samantala, maaaring makakuha ng citizenship ang mga kabataang nag-aaral sa mga paaralan sa Italya at ang mga adults na legal na residente sa bansa ng 5 taon (at hindi 10).

altAng ikalawa naman ay ukol sa karapatang  bumoto sa lokal na halalan. At kakailanganin ang 50,000 mga lagda o prima para ang mga dayuhang residente sa Italya, na sa katunayan ay mga Italyano nà, ay maging ganap ang pagiging Italyano para sa batas.

Sa Portugal halos 6 sa bawat 100 mga dayuhan ang nakakatanggap ng citizenship. Sa Italya ay mayroong  4.2 milyong mga dayuhan at  1.5 lamang sa bawat  100 dayuhan ang nakakakuha ng citizenship. Ang pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon ay isang mahirap na laban kasabay ng pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng pagkakabuklod ng Italya.

Sa pakikipagtulungan ng mga mayors  na mayroong  mahalagang papel sa bill dahil sila at hindi ang Ministry of interior ang magsusumite ng petisyon sa Pangulo ng Republika para sa citizenship. “Mga reporma na walang gastos, Maroni pakinggan ang pagkakaisa ng sambayanan”, pagbabanta ng  president ng ACLI, Andrea Olivero. “Itigil na ang takot, ang mga imigrante ay isang yaman,” ayon naman kay  Vera Lamonica, ng CGIL, na nagdadala ng inisyatiba sa mga pabrika at lugar ng trabaho.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Masahe sa mga beach resort, bawal na!

2011 Migration Advocacy and Media Awards, accepting nominations