in

500,000 ang mga irregulars sa Italya

Ayon sa ika-apat na ulat ng European Migration Network .

Roma, 31 Hulyo 2012 – Sa kasalukuyan, ang mga irregular immigrants sa Italya ay tinatayang aabot sa 500,000 o isa bawat sampung regular. Ito ay nabawasan ng kalahati kumpara sa nakaraang sampung taon.

Ito ay ayon sa ika-apat na ulat ng European Migration Network, na pinamahalaan ng Idos at ng Interior Ministry, simula 2002 hanggang 2011 ang mga irregular immigrants ay bumaba ng kalahati, mula sa isang milyon sa 500,000. Bumaba rin, sa huling sampung taon ang mga tinanggihan sa mga borders  (mula sa 30,287 noong 2001 sa 4215 sa 2010) at ang mga pina-deport (mula sa 90,160 sa 46,955). Mga numerong tumutugma sa Dossier statistico ng Caritas / Migrantes.

Ang irregular immigration, ayon sa ulat ng EMN, ay nabawasan bilang epekto na rin ng mga pagbabago ng regulasyon sa mga huling taon at ng krisis sa ekonomiya. At kumpara sa mga regulars hanggang 1 Enero 2011, ay tinatayang halos 10% ng  halos 5 milyong ng mga dayuhang mamamayan na kasalukuyang legal sa Italya.

Ayon pa rin sa ulat, ang pagkakaroon ng mga irregulars ay hindi dahil sa pagpasok ng walang entry visa sa Italya kundi dahil sa over staying ng mga pinagkalooban ng 3 buwang tourist visa. Napatunayan na sa huling sampung taon ay nadagdagan ito: higit sa isang milyon at kalahati ang ibinibigay sa taong 2010 ng Italya (+ 63% kumpara noong  2001), at 1,700,000 naman sa taong 2011 (+ 11%). At karamihan ng mga request ay buhat sa mga bansang kung tawagin ay ‘bric’, tulad ng India, China at Russia. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Baby gang, holdaper ng mga cellphones, may kasamang Pinoy

DepEd, magpapatupad ng prevention campaign laban sa Aids sa mga public schools