Binago ang halaga ng social benefit para sa mga matatandang higit na nangangailangan, ngunit ito rin ay isang mahalagang reference para sa mga permit to stay, family reunification,at ibang mga dokumentasyon ukol sa immigration.
Roma – Pebrero 7, 2012 – 429,00 bawat buwan at 5577,00 para sa mga labintatlo buwan bawat taon. Ito ay ang halaga para sa taong 2012 ng social benefit o assegno sociale, isang tulong buhat sa pamahalaan sa mga matatandang higit na nangangailangan, ngunit isang mahalagang reference para sa permit to stay, family reunification at ibang dokumentasyon ukol sa imigrasyon.
Ang allowance ay ipinagkakaloob sa mga may edad na higit sa 65 anyos, Italyano man o mga EU-nationals na naninirahan sa Italya ng sampung taon at mayroong kita na mas mababa sa halaga ng benepisyo. Samantala, ang mga non-EUnationals ay maaaring makatanggap lamang ng nasabing benepisyo kung nagtataglay ng mga nabanggit na requirements, ay nagtataglay din ng kilalang ‘carta di soggiorno’.
Ang average age ng mga imigrante ay mas mababa kaysa sa Italians, kaya kakaunti lamang ang maaaring tumanggap ng benepisyo. Ngunit mahalagang tandaan ang halagang ito dahil ang immigration bureaucracy ay madalas itong gamitin upang masuri ang pinansyal na kapasidad ng mga dayuhan.
Isang non-EU national, halimbawa, na nais mag-renew ng permit to stay ay dapat patunayan na ang sahod ay katumbas ng halaga ng social benefit, samakatwid, sa taong ito, 5577 euros. At kung nais na papuntahin ang kanyang asawa sa Italya, ang kita ay dapat na hindi bababa sa € 8365.50 (ang ika-1.5 ulit ng benepisyo o 5577 X 1.5)
Ang halaga ng allowance ay mahalaga rin para sa mga EU nationals. Ang Romanians, Polish at iba pang nais na manatili sa Italya sa higit sa tatlong buwan at mayroong trabaho, gayunpaman, ay dapat patunayan ang pagkakaroon ng nasabing halaga.