Ang halaga ng assegno sociale o social allowance ay nagbabago taun-taon. Ito ay datos na mahalaga para sa mga imigrante.
Enero 28, 2016 – Itinalaga ng Inps ang bagong halaga nito, na bahagyang bumama kumpara noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng isang circular kamakailan. Sa taong 2016 ang halaga ng assegno sociale ay 448.07 euros kada buwan sa loob ng 13 buwan at samakatwid ang taunang halaga nito ay 5.824.91 euros.
Ang assegno sociale ay ang tulong ng estado sa mga matatandang higit na nangangailangan, na ang sahod ay mas mababa kaysa sa halaga nito. Ito ay nakalaan sa mga Italians, Europeans at mga non Europeans (kung mayroong carta di soggiorno) na may edad na 65 anyos at 7 buwan at naninirahan sa Italya ng hindi bababa sa sampung (10) taon.
Basahin: Assegno sociale, ano ito at ang halaga nito sa mga dayuhan