in

61,000 undocumented workers, regular na

12,999 employers na ang nagbigay ng karagdagang dokumento sa pagsasaayos ng application para sa regularisasyon.

Bago matapos ang summer ng taong eto lahat ng applications para sa regularization ng mga undocumented migrants ay tinatayang maaayos at matatapos na din. Eto ay ayon sa Immigration Offices ng Roma at Milano, dalawa sa mga probinsiya na may pinakamataas na bilang ng aplikasyon. Sa ibang mga probinsiya na may maliliit na bilang ng aplikasyong isinumite ay sinasabing mas magiging mabilis ang kaukulang pagsasaayos.Nagiging mas mabilis at maayos ang sistema ng pagsagot sa maraming aplikasyon dahil na rin sa dagdag na mga empleyado na nag-aasikaso sa Prefecture na inassign ng Immigration Offices.Sa Milano na kung saan ay mabilis na napoproseso ang mga applications ay nagbukas ng 26 offices na kung saan mabilis na pinoproseso ang mga nakapasok na aplikasyon.Tinatayang 61,000 na undocumented workers na ang naitalang may legal na dokumento etong kalaghatian ng Pebrero.Ayon pa sa Ministry of Home Affairs, umaakyat sa bilang na 294, 961 ang aplikasyon para sa regularisasyon. Kalahati ng aplikasyon na eto ay naexamine na ng Provincial Police Headquarters at 2.5% lamang ang nasabing rejected. Ilan sa mga dapat na isaalang alang ng sinumang nagsumite ng aplikasyon at ganun din panuntunan sa mga officers na nagpoproseso ng mga aplikasyon, na maaaring mareject ang alin mang aplikasyon kung eto ay nadenied sa mga sumusunod na kadahilanan: naexpelled mula sa teritoryo ng Italya sa kadahilanang pangseguridad, public order  o dahil sa terrorism threat. Maaari ding mareject ang sinumang nainvolved sa alin mang kasong krimen at sinumang nabigyan ng non-admissible remark ng Italian immigration.Kasabay nito, mahalagang malaman ng sinumang nagaaplay ng regularisasyon ang tamang proseso kaakibat sa nasabing aplikasyon. Mula sa pagsusumite ng mga kinailangang dokumento, kapag eto ay maayos na naverify ng Provincial Police Headquarters, ipapatawag ang employer at worker upang patotohanan ang lahat ng impormasyon sa aplikasyon. Matapos nito, lalagda sila sa Residency Contract. Sa kasalukuyan, ay tinatayang 110,632 na ang naipadalang notice sa mga employers, at umabot na sa 60,952 ang naitalang lumagda sa kontrata. Gayunman, may 2,968 ang sinasabing rejected application. 12, 999  na bilang pa ng employers, sa kasalukuyan, ang hinihingan ng mga karagdagang dokumento upang maiayos ang aplikasyon ng kani kanilang workers para sa regularisasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karapatang magbakasyon

5.349,89 euro para makapagrenew ng Permit of Stay