in

651 susog laban Ius Scholae, isinulong ng Lega Nord at Fratelli d’Italia

Hindi bababa sa 90/100 ang grade sa Maturità o High School Exam para maging italian citizen. Ito ay isa sa 651 susog na isinulong ng Lega Nord at Fratelli d’Italia upang hadlangan ang pinakahuling panukala ukol sa pagiging italian citizen ng mga kabataan, ang Ius Scholae. 

Kabilang dito ang pagkilala sa mga mga sagre o festivals, mga tanyag na tradisyon at marami pang ibang mga bagay na marahil, karamihan sa mga Italyano ay hindi rin kilala. Ngunit ayon sa centre-right coalition, ang mga ito ay bagay na dapat malaman at makabisado ng mga dayuhang ipinanganak o mga kabataang sa Italya na lumaki. 

Sa loob ng maraming taon ay pinag-uusapan ang pangangailangan para sa isang reporma ng pagkamamamayan sa Italya. Ang pinakahuling panukala na isinulong sa parlyamento ay ang Ius Scholae. Ito ay magpapahintulot sa mga menor de edad na anak ng mga migrante ang maging italian citizen pagkatapos makapag-aral ng hindi bababa sa limang taon sa paaralan sa Italya. Ito ay hindi nagustuhan ng centre-right coalition at ngayon ay ginagawa ang lahat ng posibleng paraan upang hadlangan ang proseso sa pamamagitan ng mga kaduda-dudang susog tulad ng mga nabanggit sa itaas. Nagpapahiwatig na ang pagiging italian citizen ay tila isang premyo at hindi isang karapatan.

Para sa amin, ang reporma sa pagkamamamayan ay dapat na magsimula sa isang premise: ang pagiging Italyano ay pagkakaroon ng sapat na kaalaman na dapat ipagmalaki. At hindi lamang mula sa kultura at values na katangian ng mga Italians”, ayon kay Annagrazia Calabria ng Forza Italia. Dahil dito, ang kanyang partido ay nagsulong ng mga susog na naglalayong tanggalin ang lahat ng pagiging awtomatiko sa pagbibigay ng italian citizenship. Kailangang patunayan ang regolar na pagpasok at positibong pagtatapos sa isang buong cycle ng edukasyon: elementarya o middle school, ay dapat ipakita. Ito lamang ang magpapakita ng pagiging bahagi ng iisang kultura. Kailangang bigyang halaga ang qualitative requirement na ito at hindi lamang quantitative requirement. Ang pagiging awtomatiko ng italian citizen halimbawa ng mga ipinanganak at lumaki sa Italya.

Samakatwid, sa Italya ay mayroong isang bahagi ng pulitika na itinuturing pa rin ang italian citizenship bilang isang premyo, isang bagay na dapat mapagtagumpayan. Hindi pa pala sapat sa 900,000 mga kabataan na ipinanganak at lumaki sa Italya ang makipaglaban sa ilang taon ng bureaucracy upang tanggapin ang kanilang karapatan….

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Presyo ng kuryente at gas sa Italya, bababa simula Abril 

Best Thesis in Cardiology, napanalunan ng isang Pinay sa Vicenza