Higit sa 7000 susog ang inihain sa Constitutional Affairs Committee, karamihan ay buhat sa Lega Nord. Ang majority ngayon ay kailangang mapagtagumpayan ang mga humahadlang sa mga anak ng mga imigrante na maging Italians.
Roma, Abril 28, 2016 “Hahadlangan namin ang reporma ng citizenship” ayon sa Lega Nord at Forza Italia.
Nagtapos ang general discussion sa Constitutional Affairs Committee noong Feb 3, sinundan noong March 30 at April 12 ng iba’t ibang pagdinig mula sa mga asosasyon at eksperto ukol sa bagong regulasyon sa pagiging ganap na Italians. Bumalik ang teksto na inaprubahan noong nakaraang Oktubre sa Chamber of Deputies sa mga Senador upang magsumite ng mga susog.
Ang deadline sa pagsusumite ay kahapon, ganap na 1:00 ng tangahli at ang resulta? Pitong libong mga susog, at malaking bahagi nito ay buhat sa partido ni Matteo Salvini. Panahon, mahabang panahon ang kakailanganin mula sa pagsunud-sunorin ang mga ito, ilathala, suriin at pagbotohan ng lahat. Nangangahulugan lamang na labag at hinahadlangan ng centrodestra ang reporma.
Karamihan ng mga susog ay magkakapareho maliban sa isang comma, inilipat na salita o synonym na maaaring ituring na ‘tanggap’ at nasa kamay lamang ng presidente ng Committee ang pasya. Gayunpaman, nananatiling sapat na hadlang ang mga ito upang maantala ng husto ang reporma at sa puntong ito, masasabing nakasalalay sa kamay ng majority ang anumang countermeasure.
Ang mga instrumento upang mapagtagumpayan ang obstraksyonismo ng umiiral na regulasyon pati na rin sa parliament ay sapilitang mapasasailalim sa scheduling nito hanggang sa pagsapit ng maxiemendamenti kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng tiwala o confidence.
Mga kaganapang hindi na bago at inaasahan at magpapa-asang muli sa ikalawang henerasyon.
Gayunpaman, hindi ang 7000 susog ang papatay sa reporma kundi ang mga nagsabing nais gawin ito para sa ikalawang henerasyon kung sila ay magpapatalo sa 7000 susog.