Ang mga mag-aaral na mayroon foreign citizenship ay halos 9% ng kabuuang bilang. Mabilis muli ang pagdami sa bilang, ito ay dahil sa ikalawang henerasyon. Samantala, ang mga Pilipinong mag-aaral ay 21,281.
Roma – Oktubre 29, 2012 – Walang tigil ang pagiging multiethnic ng mga paaralan. Patuloy ang pagdami ng mga mag-aaral na mayroong foreign citizenship, at matapos ang pagbagal sa mga nakaraang taon, ay muli ang pagdami, salamat sa ikalawang henerasyon: mga kabataang sa bansa ipinanganak at mga imigrante ang mga magulang.
Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng ulat na “Alunni con cittadinanza non italiana nel sistema scolastico italiano. A.S. 2011/2012”, na inilathala kamakailan ng servizo statistico ng Ministry of Education. Binilang ang 755.939 mga “dayuhang mag-aaral” ( tulad ng nasasaad sa mga pasaporte), ang 8.4% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral.
Kumpara sa nakaraang taon, nagkaroon ng isang pagtaas ng 45,676, o ng 6.4%. Ito ay itinuturing na pagbawi sa mga nakaraang taon kung saan huminto sa pagdami simula pa ng 2010/2011sa 5.4%. "Ang pagtaas – ayon sa ulat – ay higit sa lahat dahil sa mga mag-aaral na mayroong foreign citizenship kahit pa sa bansang Italya ipinanganak (44% ng mga banyagang mag-aaral sa kabuuan, o 334,284) higit sa pagdating ng mga newcomers.
Halos 200 ang mga bansang pinagmulan. Sa national level, ay pinaka-maraming ang mga Romanian students 141,050 o ang 18.7% ng mga kabuuang bilang ng mga banyagang mag-aaral, sinusundan ng mga Albanians (103.000 o 13.6%) at Moroccans (96,000 o 12.7%). Ang mga Filipinos, ay ang ika-pito sa pinakamalaking bilang at umabot sa 21,281 o 2.82 %, matapos ang China, Moldova at India, ngunit kung titingnan ang bawat rehiyon, ang mga pangunahing nationalities ay maaaring magbago.
Ang mga rehiyon na pinaka-industrialized at samakatuwid mas maraming job offer, ay ang mga mayroong pinaka-malaking bilang ng mga mag-aaral na mayroong foreign citizenship: one-fourth ng kabuuang bilang ng mga banyagang mag-aaral, 185,000, ay matatagpuan sa Lombardy, na sinusundan ng Veneto (89,000), ng Emilia Romagna (87,000) at Lazio (72,000). Nasa sulo naman ng listahan ang Molise (1600) at Valle D'Aosta (1500).
Ang ulat ay naglinaw rin ng alarma ukol sa mga “ghetto class”. Sa national level, ang percentage ng mga klase na mayroong higit sa 30% ng mga ‘alunni stranieri’ ay katumbas ng 5,3%, ngunit kung hindi isasama sa kalkolo ang mga mag-aaral na sa Italya ipinanganak, ang percentage ay bababa sa 1,7%.