in

Accordo di integrazione – Hindi maaaring manatili sa Italya ang hindi mag-papaaral sa mga anak

Bibigyan ng 0 point ang hindi tutupad sa obligasyon sa edukasyon. Narito ang paglilinaw ng Ministry of Interior ukol sa pagsusuri sa ‘kasunduan’.

 

Roma, Oktubre 14, 2015 – Ang accordo di integrazione o integration agreement at ang point system ng permit to stay ay ang mga pangunahing pagbabago sa Italya sa imigrasyon sa mga nakaraang taon.

Ang mga dayuhang dumating sa bansa mula March 10, 2012, ay kailangang sumailalim sa isang kasunduan sa Estado at dapat maisakatuparan ang ilang layuning nasasaad doon. Pangunahin ay ang kaalaman sa wikang italyano at civic education at ang pagpasok sa paaralan ng mga menor de edad na anak. Pagkatapos ay ang point system na nadadagdagan o nababawasan batay sa naging pag-uugali ng dayuhan.

Kamakailan, ay naglabas ang Ministry of Interior ng isang circular na nagbibigay ng paglilinaw ukol sa pagsusuri ng integration agreement.

Ang pagsusuri ay sinimulan dalawang taon matapos ang pagpirma sa kasunduan. Ngunit kung ang mga puntos na natanggap ay hindi sapat (dapat ay hindi bababa sa 30 puntos) o kung hindi naging possible ang pagsusuri ng ilang requirements (tulad ng wika, civic education, obligatory schooling) ay binibigyan ang imigrante ng isa pang taon. Sa pagtatapos ng ikatlong taon ay muling susuriin ang mga puntos.

Kung nagtataglay ng mga requirements at ang mga puntos ay katumbas o mas mataas kaysa sa 30, ang kasunduan ay naisakatuparan at maituturing na tapos na. Kung ang puntos ay 0 o mas mababa pa, ang kasunduan ay hindi naisakatuparan at ang dayuhan ay mawawalan ng karapatang manatili sa Italya.

Sa mga nasa ‘gitnang’ sitwasyong, tulad ng paliwanag sa Circular, ay maituturing na parsyal ang katuparan nito na ang epekto ay ilang discretionary measures sa imigrante na nasasaad sa Batas sa Imigrasyon. Ngunit ang Ministry ay binigyang-diin na sa paaralan ay hindi tinatanggap ang anumang ‘diskwento’. “Ang hindi pagtupad sa obligasyon ng pagpapaaral sa mga menor de edad na anak, maliban na lamang kung may patunay ng pagsusumikap upang magampanan ito, ay magiging sanhi ng pagbabawas sa puntos o demerits na ibinigay sa pagpirma ng kasunduan o ng mga natanggap na puntos pagkatapos at maaaring maging sanhi ng hindi pagsasakatuparan sa kasunduan.

Sa madaling salita, ang sinumang hindi pinag-aaral sa paaralan ang mga anak ay hindi maaaring makapag-renew ng permit to stay at samakatwid ay kailangang lumabas at lisanin ang bansang Italya.

Sa Circular ay tinalakay rin ang kaso ng mga pumasok sa Italya, pumirma sa kasunduan at lumabas ng kusang-loob sa bansa bago pa man matapos ang validity ng permit to stay at ng integration agreement. Anong mangyayari kung muling papasok sa Italya at mayroong balidong entry visa? Ang dating kasunduan ay isasantabi at hindi na kailangan ang muling pumirma ng bagong kasunduan. Sa batas ay nasasaad, sa katunayan, na ang integration agreement ay pipirmahan lamang ng sinumang ‘papasok sa unang pagkakataon sa bansa’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kamara, inaprubahan ang bagong panuntunan sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante

Reddito di autonomia, tulong pinansyal sa mga nangangailangan at mga dayuhan sa Lombardy Region