in

Accordo di integrazione, simula ng pagsusuri

Makalipas ang dalawang taon mula sa pagpasok ng imigrante sa Italya ay kailangang patunayan ang kanilang pagtupad sa pinirmahang kasunduan at ang pag-aaral ng wikang italyano at ng Sibika at Kultura. Ang mga appointment at test sa Sportello Unico per l’Immigrazione.

Roma, Marso 7, 2014 – Pinag-aralan mo ba ang wikang italyano? Inalam mo ba ang pundasyon ng Republika ng Italya? Pinag-aaral mo ba ang iyong mga anak? Wala ka bang naging problema sa katarungan? Ito ang mga katanungan para sa libu-libong mga dayuhang pumasok sa bansang Italya simula March 10, 2012 at ngayon, ay dumating na ang araw ng pagsusuri.

Lumipas na ang dalawang taon mula ng pirmahan ang tinatawag na accordo di integrazione at kailangang patunayan ang pagtupad sa kasunduang nilagdaan at kung may sapat na puntos upang manatili sa Italya.

Nagsimula sa 16 points, na maaaring tumaas o bumaba batay sa naging pagsunod ng bawat isa. Kung makalipas ang dalawang taon, ang puntos ay tumaas sa 30 at natutunan ang wikang italyano at ang kultura sa bansa, ang kasunduan ay maituturing na isang tagumpay. Ang sinumang may puntos mula 1 hanggang 29 ay mayroong isang taon upang makabawi, ngunit kung ang puntos ay bumaba sa 0 o mas mababa pa, ay bibigyan ng expulsion.

Ang mga Sportello Unico per l’Immigrazione ay unti-unting tinatawagan ang mga imigrante upang magsumite ng dokumentasyon na nagpapahiwatig ng naging pagsunod, halimbawa, ang sertipiko ng kurso sa wikang italyano o ng Sibika at Kultura o ang pagpaparehistro ng isang kontrata sa upa ng apartment na nagbibigay ng merits. Samantala, susuriin din ang pagkakaroon ng anumang conviction, arrest o sanction na magre-resulta naman ng demerits.

Ang sinumang walang maipapakitang dokumentasyon ukol sa wikang italyano ay maaaring humingi nito sa Sportello Unico per l’Immigrazione sa pamamagitan ng isang test. Kailangang magpa-book online sa website http://accordointegrazione.dlci.interno.it.

Ang kabuuang bilang ng mga dayuhang dapat sumailalim sa pagsusuri ay tinatayang 26,000. Maituturing na kakaunti lamang. Ito ay nagpapatunay ng pagbagsak sa bilang ng mga pumasok na mga dayuhan upang mag-trabaho sa huling dalawang taon at dahil na rin ang mga pumasok sa bansang Italya dahil sa pamilya o family reunification, kahit pa umabot sa 0 point, ay hindi maaaring patalsikin at samakatwid ang accordo di integrazione ay hindi kalian man masusuri.

(Ang pagpapaliwanag ng Ako ay Pilipino ukol sa integration agreement – Unang bahagiIkalawang bahagi).

Ministero dell’Interno: Circolare n. 824 del 10 febbraio 2014. DPR 14/09/2011 n. 179 recante "Regolamento concernente la disciplina dell'accordo integrazione tra lo straniero e lo stato a norma dell'art. 4 bis, comma 2 del Testo Unico sull'Immigrazione2. Indicazioni operative per la verifica dell'accordo

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship – “Sapat ang 2 taon ng proseso, higit dito ay hindi makatwiran”

Introducing Filipino Cooking in Milan