in

Agenda Elettronica, magpapabilis sa releasing ng ‘nulla osta’

Ito ay magpapahintulot sa aplikante na mag-book ng appointment para sa pagsusumite ng mga requirements at makapili rin ng petsa at oras para sa releasing ng nulla osta. Kung sa pagtatapos ng experimental period ay magkakaroon ng positibong epekto ay gagamitin na rin sa buong bansa.

 

Roma, Hunyo 28, 2017 – Inanunsyo ng Ministry of Interior sa pamamagitan ng Circular n. 2236 June 16, 2017 ang simula ng paggamit sa electronic organizer para sa booking ng mga appointment sa mga Sportello Unico per l’Immigrazione. Ang booking ay mahalaga para sa pagsusumite ng mga requirements at releasing ng nulla osta para sa trabaho o family reunification.  

Ang kasalukuyang sistema ay nagpapahintulot sa pagsusumite ng aplikasyon online para sa lahat ng uri ng nulla osta sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Ngunit nananatili ang pagpapadala ng registered mail o raccomandate kung saan ipinagbibigay-alam sa aplikante ang petsa ng appointment para sa pagsusumite ng mga requirements at releasing ng nulla osta para sa trabaho o family reunification.  

Sa madaling salita, ang bagong electronic organizer ay idadagdag sa kasalukuyang computerized system at ikokonekta sa iba’t ibang tanggapan partikular sa Questura at Ispettorati Territoriali del Lavoro. Ang bagong sistema ay magpapahintulot sa aplikante na mag-booking ng appointment para sa pagsusumite ng mga requirements at makapili rin ng petsa at oras para sa releasing ng nulla osta, para sa trabaho at family reunification. 

Ang unang apat na buwan na pagpapatupad sa Roma at Latina ay experimental period lamang. Kung sa pagtatapos ng nabanggit na panahon ay magkakaroon ng positibong epekto ay gagamitin na rin sa buong bansa. 

Sa bagong sistema ay inaasahang makakatipid hindi lamang sa gastusin bagkus pati sa tauhan ang Sportello Unico per l’Immigrazione. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filcom Genova, nagdiwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

European Court of Justice: “Assegni familiari, ibibigay sa mayroong permesso unico di lavoro”