in

Airline tickets, tanggap na katibayan ng pananatili sa Italya

Roma – Higit sa isang linggo bago tuluyang magsara ang mga pinto ng kasalukuyang regularization, ay nilinaw ng Ministry of Interior ang mga katanungan ukol sa mga katibayan ng pananatili sa bansang Italya on or before Dec. 31, 2011.

Bukod sa mga dokumentasyong nabanggit sa nakaraan na magpapatunay ng pananatili sa bansa tulad ng: pasaporte na mayroong timbre ng Immigration office sa pagpasok sa bansang Italya, dokumentasyon buhat sa awtoridad, order of expulsion, medical certificate buhat sa public clinic o hospital, enrolment ng anak sa paaralan ay pinalawak ang depinisyon ng salitang ‘organismi pubblici’ sa pamamagitan ng ‘Opinyonng Avvocatura dello Stato’. Ito ay nagbibigay linaw sa mga katanungan ng maraming undocumented o irregular sa bansang Italya na naghahangad na magkaroon ng pinak-aasam na permit to stay.

Narito ang ilan sa mga katanungang binigyang linaw at mga kasagutan:

1)      Maaari bang gamiting patunay ng pananatili sa bansang Italya ang pasaporte na mayroong timbre mula sa ibang bansa ng Schengen na may petsa on or before Dec 31, 2011?

Ang pasaporte na mayroong timbre ng Immigration office sa pagpasok sa ibang bansa ng Schengen ay maaaring gamiting katibayan sa regularization kung ilalakip dito ang ilang dokumentasyon mula sa tanggapang nagbigay ng serbisyong publiko at nagtataglay ng patunay o mayroong petsa ng pananatili sa bansang Italya matapos ang petsa ng timbre ng pagpasok sa bansang Schengen na hindi lalampas ng Dec. 31, 2011. Halimbawa ay ang airline ticket na nagtataglay ng pangalan at petsa ng pagpasok ng worker sa Italya, matapos ang petsa ng timbre ng unang bansang Schengen na pinuntahan ng worker.

2)      Maaari bang gamiting katibayan ng pananatili sa bansa on or before dec. 31, 2011 ang airline ticket buhat sa non-italian airline company?

Oo, maaaring gamiting patunay kung sa pasaporte ng dayuhan ay mayroong timbre ng pagpasok sa isa sa mga bansang Schengen.

3)      Ang mga dokumentasyong buhat sa Poste Italiane S.p.A., ay maaari bang gamiting patunay?

Ang mga dokumentasyon buhat sa Poste Italiane S.p.A., na maaaring magpatunay sa identidad o pangalang tinutukoy sa dokumentayson at mayroong petsa on or before Dec 31, 2011 (hal: pagbubukas ng account, request ng postepay card etcc) ay tinatanggap bilang katibayan ng pananatili sa bansa.

4)      Ang mga dokumentayson buhat sa Embahada o konsulado ay maaari rin bang gamiting katibayan?

Maaaring tanggapin bilang katibayan ang mga dokumentayson buhat sa mga embahada at konsulado na mayroong petsa on or before dec 31. 2011 (hal. application o renewal ng pasaporte, marriage certificate, affidavit, SPA)

5)      Ang mga dokumentasyon buhat sa mga institusyon na nagbibigay ng mga pampublikong serbisyo ay maituturing bang patunay?

Ang mga local entities na humahawak ng public transportation tulad ng subscription sa public transportation o tessera na nagtataglay ng larawan at picture ng nagmamay-ari nito, gayun din ang mga house bills tulad ng ilaw, gas at land lines na naka-pangalan sa worker. Maaari ring gamiting patunay ang application sa sim card (Tre, Wind, Tim at Vodafone)

6)      Ang mga resibo ng money transfer sa pagpapadala o pagtanggap ng pera sa pamamagitan ng mga bangko at/o ahensya ng money transfer ay maaari bang gamiting patunay?

Oo, ang resibo ng money transfer ay maaaring gamiting patunay kung ang pagpapadala o pagtanggap ng pera ay sa pamamagitan ng Poste Italiane o mga accredited operators na nakatala sa official list ng Banca d’Italia o ng mga European Central banks o napapailalim sa pangangasiwa ng mga ito.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Boom di contatti per stranieriinitalia.it e per i 12 siti in lingua, a settembre superata quota 1.300.000

Merienda during sight-seeing, ipinagbabawal sa Rome