in

ALEMANNO: Humiling na huwag isama ang Roma sa mga lugar na paglalagakan sa mga refugees sa isang liham.

Ang Roma ay kasalukuyang mayroong 8,000 mga imigranti at refugees, availble lamang ang 1,475 na pwesto sa halos 22 centers.

Rome, 25 March 2011 – Bilang mayor ng Roma, sa isang sulat sa Interior Minister Roberto Maroni ay humihiling na tanggalin sa listahan ng posibleng site na gagamitin sa paghahanap ng lugar bilang tirahan ng mga refugees mula sa Libya.

“Una sa lahat – ayon kay Alemanno – sa kasalukuyan, ay may Nomad emergency na nagtataglay ng malaking numero at sila ay naninirahan sa mga kampo bilang mga iskuwater sa teritoryo. Ang mga Nomads na nakatira sa mga kampong awtorisado ay aabot sa 3400, habang ang ibang 1600 ay nakatira sa mga kampong pinahihintulutan at tinatayang aabot sa 3000 (Nomads at mga bagong EU imigrante) na pansamantalang itinalaga sa iba’t ibang mga kampo, na kadalasan ay walang anumang proteksyon sa kaligtasan at kalusugan”.

“Bilang karagdagan, na kasalukuyan ay aking hinihintay ang pahintulot, at muli ako ay lumalapit sa inyo, sa isang batas na nagpapahintulot sa tiyakang pagpapatalsik mula sa teritoryo ng Italya ng mga bagong imigrante mula sa Europa na hindi gagalang sa kondisyon ng legalidad, at pahintulot na gamitin ang mga istruktura ng Cara Castelnuovo di Porto upang gawing likasan o evacuation center para sa mga mapanganib na kampo ng iskuwater”.

“Ayon sa isang pag-aaral ng aking tanggapan, na suportado ng mga serbisyo ng mga pangunahing mga organisasyon upang tulungan ang mga refugees, na sinasang-ayunan ng mga Opisina para sa
mga refugees ng Police Headquarters sa Roma at pati ng mga Komisyon para sa pagkilala ng internasyonal na proteksyon, ang bilang ng mga aplikante at mga may hawak ng internasyonal na proteksyon sa Roma ay hihigit sa 8000”, ayon pa kay Alemanno.

“Ang institutional na pakikipag-ugnayan ng Roma na humaharap sa kahilingan ng hospitality ay nahahati sa 22 centers, para sa isang total ng 1,475 na pwesto. Ang kasalukuyang listahan ng naghihintay para makapasok sa isang istraktura ay aabot sa 1,500 at ang panahon ng paghihintay ay umaabot sa walong buwan”, pagtatapos pa ng mayor.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DIRECT HIRE 2010, Inumpisahan ng tawagin ang mga employer para sa unang mga nulla osta

MARONI: Handa na sa pagpapabalik ng mga migrante