in

Alfano, Giovannini, Bonino at Kyenge sa gobyerno para sa imigrasyon

Ang mga pangunahing ministries para sa mga dayuhan sa Italya ay ang Interior, Labor at Foreign Affairs. At ang Integrasyon?

Rome – Abril 29, 2013 – Ang pagkakaroon ng "Ministri ng Integrasyon" ay hindi isang walang kabuluhan. Hindi lamang isang ‘tanggapan’ si Cecile Kyenge na itinalaga sa imigrasyon. Bagaman, ang ibang ministries ang tunay na magiging makabuluhan sa pamumuhay ng mga dayuhan sa Italya sa ilalim ng panunungkulan ni Enrico Letta sa Palazzo Chigi.  

Isang mahalagang papel ang gagampanan ng Ministry ng Interior. Ito ang namamahala sa paglaban sa iligal na imigrasyon (kontrol sa hangganan ng bansa, pagpapatalsik, Cie …), ngunit maging ang pamamahala ng mga regular migration: issuance at renewal ng mga permit to stay, Sportello Unico per l’immigrazione, integration agreement, test para sa carta di soggiorno at marami pang iba.

Ang mamumuno sa Interior ngayon ay si Angelino Alfano, 43 anyos, pangulo ng PDL at bukod sa pagiging Bise-Presidente ng Konseho. Dating Ministro ng Katarungan, at nakikilala sa tawag na "Lodo Alfano" (o ang tawag sa batas na nagsususpinde sa kaso ng mga matataas na posisyon sa estado, na tinanggihan ng Korte), gayun din ang nanguna sa bagong Anti-Mafia Code at ang pagpapagaan ng prosesong sibil.

Sa halip, ang Ministry of Labor ang nagpapatupad sa mga new entries para sa trabaho mula sa ibang bansa, o ang tinatawag na ‘flussi’, na sumusuri sa mga pangangailangan ng mga pamilya at mga kumpanya. Pinamamahalaan din ang mga listahan ng mga dayuhang  sumasailalim sa mga pagsasanay sa sariling bansa na mayroong tinatawag na ‘fast track’ sa Italya at nagsasa-ayos ng mga bilateral agreement para sa labor supply. Pinamamahalaan rin ang integrasyon at ang pagpasok ng mga non accompanied minors sa bansa.

Ang bagong Ministro ng Labor ay (isang career o tecnico) si Enrico Giovannini, 56 anyos. Statistician at isa sa 10 wise men (saggi) na tinawag noong nakaraang buwan ni Pangulong  Giorgio Napolitano upang italaga ang mga priyoridad sa paglabas ng bansa sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Naging bahagi sa matagal na panahon ng Organizzazione per la Cooperazione e lo Sviluppo Economico (OCSE) sa Paris, at noong 2009 ay naging Pangulo ng Istituto Nazionale di Statistica at pinangunahan ang pinakahuling Census.

Samanatala, ang Ministry of Foreign Affairs naman ang namamahala sa mga diplomatic relation at ang maging tulay sa mga bansang pinagmulan ng mga imigrante. Ang mga Konsulado sa buong mundo ay ang pintuan ng Italya, para sa sinumang maga-aplay para sa entry visa, gayun din, ay umaaksyon sa maraming mga proyekto ng International cooperation sa pag-unlad ng mga mahihirap na bansa.  

Itinalaga si Emma Bonino, 65 anyos, upang pangunahan ang Farnesina. Mahalagang miyembro ng mga Radicals, nangunguna sa mga labang sibil tulad ng aborsyon at diborsyo, at isang tagapagtanggol ng karapatang pantao sa buong mundo. Tumayo bilang Ministro para sa International Trade at naging European Commissioner para sa mga consumers. Ang kanyang pangalan ay naging maingay rin sa halalan ng Presidente ng Republika.

Ano ang nananatili para sa Ministro ng Integrasyon? Upang maunawaan ito, ay kailangang maghintay ng ilang linggo upang makita ang magiging papel ni Cecile Kyenge, lalong higit upang maunawaan kung ano ang bibitawan at ibibigay ng kanyang mga kasamahan para sa mahabang panahon, sa ilalim ng kanilang panunungkulan. Isang tanggapan na nagbigay kumplikasyon sa successor ni Andrea Riccardi.

Samantala, ang piniling unang layunin ay ang reporma sa pagkamamamayan at ang rebisyon ng Bossi-Fini law, at malinaw sa lahat na pipilitin ni Kyenge ang isang patuloy na pakikibaka at pagkatok sa Gobyerno at Parliaymento upang mapabuti ang kalagayan ng mga dayuhan sa Italya gayun din ng kanilang mga anak . Ang isang magandang araw, ika nga, ay nagsisimula sa umaga: para sa kanya, ang kanyang umaga ay ang mga unang araw bilang deputy kung saan pinirmahan ang panukala ukol sa  ius soli at lumikha ng isang parliamentarian intergroup ukol sa imigrasyon at asylum.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CFG sa medical mission

Maroni: “Alfano, ihayag ang iyong posisyon ukol sa Bossi-Fini law”