in

Alfano, Poletti at Mogherini sa pulitika ng imigrasyon

Ang mga Ministries of Labor, Foreign Affairs at Interior ay may mga pangunahing tungkulin sa pulitika ukol sa mga dayuhan sa Italya. Tinanggal ng bagong Premier ang Ministry of Integration. 

Roma, Pebrero 22, 2014 – Kabilang sa mga kasapi ng bagong gabineto ni Matteo Renzi ay sina Angelino Alfano, Giuliano Poletti at Federica Mogherini na pangungunahan ang mundo ng imigrasyon

Si Angelino Alfano , 44 anyos, ay muling nahirang bilang Minister of Interior, ngunit natanggal bilang Deputy Prime Minister, ang isa pang posisyon sa nakaraang gobyerno ni Letta. Dating Kalihim ng Popolo della Libertà, sumunod sa yapak ni Silvio Berlusconi at naging ama ng Nuovo Centrodestra. 
 
Ang Ministry of Interior, kung saan sumusunod ang awtoridad (PS), ay may layuning labanan ang iligal na imigrasyon, mangasiwa sa expulsion at pagpapatakbo ng mga CIE – Centri di Identificazione e Espulsione – Nangangasiwa rin ng bureaucracy ng regular na imigrasyon, mula sa releasing at renewal ng permit to stay, sa family reunification at pag-aaplay ng citizenship. Ang tanggapan ng Ministry of Intetrior ay kumikilos sa pamamagitan ng mga Questure at mga Sportelli Unici per l’Immigrazione. 
 
Ang Ministry of Foreign Affairs naman ipinagkatiwala kay Federica Mogherini, 41 anyos. Deputy ng PD, miyembro ng Foreign Affairs at Defense committee at noong nakaraang Disyembre ay tinawag ni Renzi bilang European at International affairs responsible sa head office ng PD. Sa nakaraan ay international affairs responsible ng DS at ng Sinistra giovanile. 
 
Matatagpuan sa Farnesina ang tanggapan ng Ministry of Foreign Affairs. Ito ay nangangalaga sa relasyon sa sariling bansa ng mga migrante at sa pamamagitan ng mga Embahada o Konsulado, na tumatayo bilang front office nito sa buong mundo, na tulad ng alam ng lahat, ang lugar kung saan nag-aaplay ng entry visa upang makapasok ng bansang Italya. Ang mga proyekto nito ukol sa  international cooperation ay tumutulong sa mga developing countries. 
 
Ang bagong Minister of Labor ay si Giuliano Poletti, 53 taong gulang. Simula 2002, ay national head ng Lega Coop, at simula noong nakaraang taon ay pinangungunahan din ang Alleanza delle cooperative, na nag-uugnay sa mga pinaka-kilalang kinatawan ng Italian Coop. Isang agrarian consultant, at nag-trabaho ng mahabang panahon bilang agrarian technician. Noong 1970s at 80s ay naging municipal assessor at federal secretary ng Communist party sa Imola. 
 
Ang Ministry of Labor ay ang gumagawa ng programasyon sa pagpasok ng mga manggagawa buhat sa labas ng bansa batay sa pangangailangan ng mga kumpanya at mga pamilya. Sa mga huling taon, dahil sa krisis sa ekonomiya, ay  nagpasyang ihinto panamantala ang pagpasok ng mga dayuhan upang mapangalagaan ang mga migrante na nawalan ng trabaho. Pinangangasiwaan ng ministeryong ito ang pondo at mga proyekto ukol sa integrasyon at ito ang sangguniang ministeryo ukol sa pagtanggap sa mga dayuhang minors na pumapasok ng bansa. 
 
Wala ang Ministry of Integration, bilang bahagi ng gobyerno ni Renzi. Ito ay una nang pinangunahan ni Andrea Riccardi sa gobyerno ni Monti at ni Cècile Kyenge sa nakaraang gobyerno ni Letta. Maliban na lamang kung lilikha ng mga adhoc undersecretary na ipamamahagi sa mga nabanggit na Ministries. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Matteo Renzi, pinakabatang PM ng Italya at Europa

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PANGANGALAGA NG MGA NGIPIN