in

Amber Light, ang malawakang operasyon sa Europa laban sa mga hindi regular

Malawakang kontrol sa mga airports simula sa buwan ng Abril. Layuning hanapin ang mga overstayers o mga imigrante na nanatili sa Europa matapos ang validity ng entry visa.
 

 


Roma – Marso 25, 2015 – Sino nga ba ang mga itinuturing na hindi regular na imigrante? Ang imahen na hatid ng media nang patuloy na pagdating ng mga imigrante sa Sicilian coasts ay naghasik ng isang pananaw na lahat ay pumapasok sa bansa ng iligal. Gayunpaman, hindi ito ang mga eksaktong kaganapan.

Karamihan sa mga dayuhang hindi regular na naninirahan sa Italya at Europa ay regular na pumasok sa bansa dahil sa short term entry visa na matapos ang validity nito ay hindi na lumabas ng bansa para bumalik sa bansang pinagmulan, sa pag-asang, magkakaroon ng sanatoria o ng decreto flussi, at magiging regular.

Technically, sila ay tinutukoy na mga overstayers. At sa ngayon isang malawakang operasyon ng pulisya ng Europa ang hahanap sa mga overstayers habang sinusubukang bumalik sa sariling bansa, na magmumula buhat sa ibang bansa upang maiwasan ang anumang parusa. Ang malawakang operasyon ay tinawag na Amber Light 2015, sa mungkahi ng Latvian government, na kasalukuyang pangulo ng European Council, sa mga bansang kasapi o sa mga boluntaryong kasama sa Schengen.

Ang mga pagko-kontrol, tulad ng mababasa sa isang kumpidensyal na dokumento na isinawalat ng Statewatch NGO, ay naka-sentro sa mga airports, ngunit kung nanaisin nang majority ng mga bansang kasapi ay maaaring palawakin ito hanggang sa sea at land boundaries. Napili ang petsang April 1 -14, panahon ng Mahal na Araw  kung kailan inaasahan ang higit na pag-uwi sa mga sariling bansa, ngunit sa parehong dokumento ay nasasaad din ang alternatibong petsa mula April 18-30.

Opisyal na layunin ng Amber Light ang magkaroon ng datos ukol sa posibleng dami ng mga overstayers, ang kanilang ‘ruta’ upang maiwasan ang kontrol at ang paggamit ng mga pekeng dokumento ngunit inaasahan na ang sinumang mahuhuli, halimbawa sa Italian airport ay paparusahan. Mula sa isang order of expulsion na magiging hadlang sakaling babalik at papasok ng regular sa Europa sa mga susunod na taon.

Ang Amber Light ay ang sumunod na sanib-operasyon ng Europa laban sa mga hindi regular, matapos ang Mos Maiorum, na ipinatupad nooong nakaraang Oktubre kung saan higit sa 20,000 katao ang nadeteni ng pulisya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PAGTITIBI

Bagong ‘NASPI’ para sa nawalan ng trabaho, paano mag-aplay nito?