in

Ang bagong voucher? Isang prepaid card na tatawaging ‘libretto familiare’

Ganap ng tinanggal ang voucher lavoro at ito ay papalitan ng “libretto familiare” upang gawing regular ang occasional job ng mga colf, caregivers at babysitters. 

 

 

Mayo 15, 2017 – Ang pagtatanggal sa vouchers ay desisiyong buhat sa kasalukuyang gobyerno upang maiwasan ang referendum na pangunguahan sana ng CGIL. Ngunit sa pagtatanggal ng vouchers ay naging imposibleng gawing regular ang pangangailangan ng parehong pamilya at mga mangagagawa.  

Matapos ang mga pag-aaral at pagsusuri ay tila nahanap na ng gobyerno ang kahalili ng dating vouchers.  Ito ay inaasahang ilalakip ng gobyerno sa ‘manovrina’ o susog sa lalong madaling panahon. 

Ito ay tatawaging “libretto familiare” sa pamamagitan ng isang prepaid card na gagamitin sa pagbabayad ng mga colf, caregivers at babysitters na hindi permanenteng nagtatrabaho ngunit occasionally ay tinatawag upang magbigay serbisyo. Halimbawa, isang gabi kada linggo o tuwing weekend bilang kahalili o substitute. 

Ang payment sa pamamagitan ng prepaid card ay magaganap sa pamamagitan ng isang website na pamamahalaan ng Inps, samakatwid ito ay inaasahan rin ang pagiging traceable nito. 

Matatandaang ang dating voucher na nagkakahalaga ng 10 euros at ito ay anticipated na binibili ng mga employer o pamilya at sa ikalawang pagkakataon na lamang itinatalaga ang pangalang pagkakalooban nito. Samantala, sa bagong sistema ay inaasahang ipapahiwatig agad ang pangalan ng worker. Hindi ito isang gift certificate o voucher ngunit mistulang tunay na kontrata bagaman bahagyang mas simple. 

Kung ikukumpara sa lumang voucher, ito ay mas mahal o nagkakahalaga ng higit kumpara sa 10 euros ng voucher. Bahagi rin nito ang kontribusyon sa Inps at samakatwid ay garantiyado nito ang pensyon sa hinaharap. At, sa isang bersyon nito ay sakop rin ang unemployment allowance: mas mataas ng 20% sa sahod kung ang worker ay idedeklarang sang-ayon na tanggapin ang tawag ng kumpanya (contratto a chiamata). 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang hiring sa domestic job batay sa updated CCNL 2017

Validity ng Philippine Passport sa 10 taon, aprubado sa Senado