in

Ang boom para sa M5S, walang katiyakan naman para sa mga imigrante

Ang partido ni Beppe Grillo (Movimento 5 Stelle)ay hindi kailanman nagpahiwatig ng posisyon ukol sa imigrasyon, mula sa mga reporma ng citizenship. Iisa ba ang direksyon o magkakaroon ng maraming paliku-liko? Tapos na ang botohan at ngayon ay tamang oras upang pag-usapan ito ng malinaw.

Roma – Pebrero 28, 2013 – Ang boom ng Movimento 5 Stelle ay tila isang hiwaga sa tahanan ng limang milyong katao. Mga imigrante at kanilang mga anak na ngayon ay tila di malaman kung tila sabog ba ng paputok o kidlat ba na naghuhudyat ng malakas na pag-ulan. Dahil sa programa sa Parliyamento ng partido ni Beppe Grillo, sa katunayan, ay hindi kabilang ni nabanggit man lamang ang imigrasyon.

Sa mga oras na ito ang mga kinatawan ng M5S ay hinihingal sa pag-sasabi na ang kanilang tagumpay ay di magdudulot sa bansang mahirap pamunuan, dahil boboto sila, ng walang sinumang papanigan kundi ang para sa kanila’y dapat lamang sang-ayunan. Ngunit malinaw na susuportahan ang panukala tulad ng cost cutting sa politika o ng reporma sa eleksyon batay sa ‘preferenze’ ngunit upang maunawaan kung ano ang kanilang hangarin sa imigrasyon ay tila kakailanganin ng bolang kristal.

Ang partido ni Grillo, ukol sa mga paksang ugnay sa mga dayuhan sa Italya, ay nananatiling walang katiyakan. Tiyak na hindi lamang dahil sa ‘original sin’ para sa patakaran ng kanyang samahan na nagbabawal tanggapin ang hindi Italyano.

Ngunit tingnan natin ang reporma ng batas sa pagkamamamayan para sa ikalawang henerasyon. Para kay Beppe Grillo ay isang panukalang "walang kapararakan", ang palaging dahilan “sisira sa masa” na ginamit ng lumang pulitika, "sa kabilang banda ay ginagamit ng kaliwa ng walang ‘ngunit’ at iniiwan naman sa mga Italians ang mga deliryo nito. Ang Lega Nord at ang mga xenophobic movements ay dumadami ang followers dahil sa takot sa ‘liberalisasyon ng mga ipinanganak’, tulad ng isinulat sa blog.

Ngunit kung titingnang mabuti kung paano kumilos ang mga elected ng M5S ukol sa isyung ito sa local administration, ay tila nagbabago ang ihip ng hangin. Matutuklasan na, salamat sa kanilang boto, ay ipinagkaloob sa mga anak ng imigrante ang honorary citizenship sa Bologna at Turin. Isang makabuluhang pagkilos, ngunit hindi "walang kapararakan", isang senyales mula sa mga nabanggit na lugar ng isang paghahanda para sa isang tunay na reporma ng pagkamamamayan na aaprubahan sa Parliament.

Ano ang gagawin ng M5S kung sa bago at inaasahang maikling termino, ng centre-left, tulad ng nauna nang inihayag, ay magpapanukala ng reporma na ang mga ipinanganak o lumaki sa Italya ay Italyano? Boboto kaya sila ng pabor? O Hindi? Sasang-ayon, ngunit sasabihing hindi ito isang priority, hanggang sa isantabi na lamang ito? Ang pinag-uusapan dito ay isang panukalang buhat sa sambayanan, dahil ayon na rin sa mga survey ay sang-ayon ang karamihan ng mga Italians.

Higit na malubha ang lagay kung kailangang mag-desisyon ukol sa mga matitinik na tema, tulad ng reporma sa pagpasok sa bansang Italya, ang pananatili sa mga Shelter, ang krimen ng ilegal na imigrasyon?

Kahit isasangtabi ang mga salita ni Grillo (mula sa matinding ‘hindi’ sa free circulation ng mga Romanian, sa mga payo kung paano tutugisin ang mga imigrante na "rompono I coglioni"), ano ang dapat tingnan upang makilala ang saloobin ng mga Grillo follwers? Ang programa ay hindi sumasagot sa mga ito, at sa forum kung saan sila ay humaharap sa araw-araw ay matatagpuan lamang ang pinaka-desperadong posisyon, buhat sa mga "mabubuti", upang ilarawan ang kanilang leaders hanggang sa "xenophobic".

Makakakuha ba ng kasagutan? Magkakaroon ba ng isang posisyong ilalahad upang talakayin sa iba pang mga partido? O bawat isa ay boboto batay sa kanilang konsensya, at pagkatapos ay kailangang alamin kung alin, saan at gaano karaming mayroong kunsensya ang mapupunta sa Parlyamento sa pamamagitan ng M5S?

Sa panahon ng kampanya ay maaaring hindi magsalita ukol sa imigrasyon. Ito ay isang pagpili na mayroong kapalit, kung nais magkaroon ng maraming boto. Ngunit sa ngayon ay tapos na ang halalan at ang malinaw ang resulta nito. At kikilos at kikilos maging ang M5S, para sa limang milyong katao na may bintung-hiningang naghihintay….. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BUHAY OFW sa Italya

BINIBINING GANDANG HARI 2013