in

Ang ‘contributo di licenziamento’ ay isang bitag – UIL

Loy at Bellissima: "Hindi ito makakatulong sa mga kasalukuyang humaharap sa financial crisis, tulad ng mga pensioners, at maging sa mga nawalan ng trabaho o ni ang paglaban sa irregular jobs (lavoro nero). Dapat itong tanggalin sa service sector ".

Roma – Pebrero 4, 2013 – “Ang bagong buwis sa pagtatangal sa trabaho? Isang bagong bitag sa mga employer at samakatwid ay hindi makakatulong sa mga workers, dapat tanggalin”.

Ganito ang naging pahayag ni Guglielmo Loy ang head ng UIL at ni Romano Bellissima, ang general head ng UIL, pensioners department, ukol sa ‘contibuto’ na ipinatutupad simula noong Jan 1 para sa mga employer na magtatanggal sa domestic worker. Kung magtatapos ang employment ng mayroong contratto indeterminato, ay kailangang bayaran sa Inps ang higit sa 480 euros bawat taon ng huling tatlong taong serbisyo.

Halos 900,000, paalala ng dalawang unionists, ang mga domestic workers na regular sa trabaho sa loob ng mga pamilya. Ang bagong balitang ito, ukol sa ‘contributo di licenziamento’ na nasasaad sa  Legge 92/12 (Riforma del Mercato del Lavoro) ay ipinatutupad maging sa service sector, kung saan mataas ang irregular jobs ng mga colf, caregivers at mga babysitters.

"Ang bagong buwis na ito ay hindi makakatulong sa mga kasalukuyang nasa sitwasyon ng financial crisis, tulad ng mga pensioners, ni sa paglaban sa irregular jobs, ni maging sa mga worker na nawalan ng trabaho” paghahayag ni Loy at Bellissima. “ Dahil sa probisyon ng bagong batas na ito – paalala pa ng dalawa – ay malamang na higit na maka-apekto pa”, "ang anumang sanhi ng pagtatanggal sa trabaho, maging ang makatwirang pagtatanggal (giusta causa), ang mga pamilya at kumpanya ay dapat na magbayad sa Inps ng halagang maaaring umabot sa 1.500 euros”.

"Ito ay malinaw na isang bitag – pagtatapos pa ng dalawa- na magiging sanhi ng danyos sa mga pamilya at mga pensyonado, na nangangailangan ng mabilis na kalutasan, sa pamamagitan ng pagtatanggal ng sektor na ito ng ‘contributo di licenziamento’.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalagang Pinay, tumalon mula sa first floor

32,000 dayuhan tinanggal sa Civil Registry ng 2011