Ang mag non-EU nationals ay pinahihintulutang makarating sa bansang Italya para sa seasonal, self-employment at non-seasonal jobs ng decreto flussi 2017. Narito ang mga itinalagang bilang.
Marso 22, 2017 – Ang decreto flussi 2017 ay nilagdaan noong nakaraang February 13, na nagtalaga ng bilang o quota sa regular na pagpasok ng mga non-EU nationals sa ngayong taon.
Ang mga imigrante ay pinahihintulutang makarating sa bansang Italya para sa seasonal, self-employment at non-seasonal jobs.
Bukod dito, ang decreto flussi ay nagpapahintulot rin sa conversion ng iba’t-ibang uri ng mga permit to stay tulad ng subordinate at self-employment permit to stay.
May kabuuang 30,850 quotas o bilang ang nasabing dekreto. Narito ang mga ito.
Ang bilang para sa pagpasok o entries sa Italya
Makakapasok sa Italya ang bilang na 13,850 ng mga non-Europeans para sa subordinate job (non-seasonal) at self-employment.
May bilang na 500 naman ang pinahihintulutang makapasok na non-Europeans na nakatapos ng training o formation courses sa sariling bansa batay sa artikulo 23 ng legislative decree n. 286 ng July 25, 1998
Samantala, may bilang na 100 naman ang mga Italian origins third degree mula sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil para sa subordinate jon (non-seasonal) at self-employment.
Ang bilang para sa conversion sa subordinate job (lavoro subordinato) mula sa mga sumusunod na uri ng permit to stay
a) 5,750 seasonal job permit to stay (stagionale);
b) 4,000 study (studio), training (tirocinio) at formation courses o vocational (formazione professionale) permit to stay;
c) 500 EC long term residence permit o carta di soggiorno ng mga non-Europeans na inisyu sa ibang EU member state
Ang bilang para sa conversion sa self-employment (lavoro autonomo) mula sa mga sumusunod na uri ng permit to stay
a) 500 study (studio), training (tirocinio) at formation courses o vocational (formazione professionale) permit to stay;
b) 100 EC long term residence permit o carta di soggiorno ng mga non-Europeans na inisyu sa ibang EU member state
Ang bilang na 2,400 non-EU nationals para sa self-employment (lavoro autonomo) mula sa mga sumusunod na kategorya:
a) mga negosyante na nagnanais ng isang investment plan para sa paglago ng ekonomiya ng Italya na mamumuhunan ng hinid bababa sa 500,000 Euros mula sa mga lehitimong paraan, pati na rin ang pagbibigay ng trabaho sa hindi bababa sa 3 manggagawa.
b) mga propesyonal na nais ituloy ang propesyon regulated o hindi regulated ngunit kumakatawan sa national level ng mga asosasyon na rehistrado sa talaan ng public administration;
c) may-ari ng corporate company na nasasaad sa Interministerial decree n. 850 ng May 11, 2011;
d) mga tanyag na artist at kilalang o mataas na kalidad, na inempleyo ng publiko o pribado na nagtataglay ng mga requiremenst batay sa Interministerial decree n. 850 ng May 11, 2011;
e) Foreign nationals na nagnanais magsimula ng negosyo o ang “Start-up inoovative” batay sa Batas n. 221 ng 17 Disyembre 2012, sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng batas.
Seasonal job
Pinahihintulutan ang bilang na 17,000 para sa seasonal job sa sektor ng agrikultura at turismo ang mga non-EU nationals.
Ang bansang kabilang sa seasonal entries ay ang mga sumusunod: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, ang Dating Yugoslav Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.
2,000 entries naman ng billing na nabanggit ay nakalaan para sa multi-entry seasonal permit (nulla osta pluriennale) ng mga seasonal workers (ng mga bansang nabanggit sa itaas) na nakapasok na sa Italya para sa seasonal job ng kahit 1 beses sa loob ng nakaraang 5 taon.