Sa pagkikita ni Bergoglio at Obama ay ipinaalala ng Santo Padre ang pamilyang kanyang pinagmulan. Matapos ay ang panawagan sa mga Obispo: “Tanggapin ninyo ang mga migrante ng walang takot”.
Roma, Setyembre 24, 2015 “Bilang anak buhat sa isang pamilya ng imigrante, ako ay nalulugod na maging panauhin sa bansang ito, na ang malaking bahagi ay binuo ng mga pamilyang ito”. Ito ang salita ng Santo Padre sa kanyang pagbisita sa USA na kahapon ay bumisita kay Barack Obama sa White House. “Inihanda ko ang aking sarili para sa mga araw na ito ng pagpupulong at diyalogo, kung saan – dagdag pa ng Papa – umaasa na maririnig ko at makaka-bahagi ako ng maraming pangarap at pag-asa ang mga Amerikano”.
Ang Santo Padre ay nagsalita rin ukol sa kalayaan sa relihiyon: “Kasama ang lahat ng mga mananampalataya ang mga Katolikong Amerikano ay nagsusumikap lumikha ng isang sosyedad na nagpaparaya at may kakayahang tanggihan ang anumang uri ng diskriminasyon”.
Ang Papa ay nakipagpulong rin kasama ang lahat ng obispo ng Amerika. At kabilang sa maraming bagay ay inanyayahan ang mga ito: “Tanggapin ninyo ng walang takot ang mga migrante. Iparamdam sa kanila ang init ng pagmamahal ni Krsito at alamin ang misteryo ng kanilang mga puso”.
Si Barack Obama sa kanyang pagtugon kay Pope Francis ay sinabing: “Ipinaalala Ninyo na ang pinaka malalim na mensahe ni Kristo ay ang ‘awa’. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap sa dayuhan ng may pagdamay at bukas-palad, mula sa mga refugees na tumakas sa digmaan hanggang sa mga imigrante na iniwan ang sariling tahanan at bansa para sa mas mahusay na pamumuhay”.