in

Anim na Rehiyon, salungat sa Decreto Salvini at nagsusulong ng apela sa Constitutional Court

pagbabago sa decreti salvini ako ay pilipino

Parami ng parami ang sumasalungat sa pagpapatupad ng Decreto Salvini. Sa kasalukuyan ay nasa 6 na Rehiyon na ang nag-aaklas laban sa malupit at hindi makatarungang batas at nagsusulong ng apela sa Constitutional Court.

Ang Tuscany region ay hindi nag-aksaya ng panahon at mabilis na nilabanan ang artiklo 13 ng Decreto Sicurezza.

Ang Giunta ng Tuscany region na pinangungunahan ni Enrico Rossi (PD) ay inaprubahan ang isang deliberasyon laban sa pagpapatupad ng bagong batas. Ito ay nagbibigay awtorisasyon kay Rossi na labanan at ipahinto ang pagpapatupad ng dekreto sa Constitutional Court.

Sumunod sa tapak ng Tuscany region ang Umbria at Emilia Romagna na nagsampa rin ng reklamo sa Constitutional Court.

Sa Umbria Council ay inaprubahan ang deliberasyon sa pangunguna ni Assessor Antonio Bartolini kung saan binigyang diin na ang dekreto ay nagtataglay ng mga aksyong hindi naayon sa batas na magbibigay umano ng mahahalagang epekto sa ibang pangunahing pinaiiral na regulasyon sa mga rehiyon tulad ng heath services, social assistance, edukasyon, vocational profession at iba pa.

Ang Umbria ay naghain na rin ng apila sa Constitutional Court matapos itong aprubahan sa Regional Assembly. Ayon sa presidente na si Catiuscia Marini “Ito ang pinagmulan ni St. Francis at St. Benedict, lugar ng pananampalataya na ipinamamalas sa pamamagitan ng pagtanggap. Ito ay batay din sa aming pinahahalagahang Saligang Batas  at mga International convention na nagbabantay sa mga karapatang pantao”.

Nagpahayag din si Marini ng pagnanais na panatilihin ang “antas ng serbisyo at ang karapatang ipinagkaloob sa mga dayuhang regular na pumasok at nananatili sa aming rehiyon, na kasalukuyang apektado ng dekreto”.

Bukod dito, ay ginawa ring opisyal ang posisyon ng Emilia-Romagna. “Lalabanan lamang namin ang bahaging nagiging sanhi ng kaguluhan”, ayon sa presidente na si Stefano Bonaccini. “Ang bats na ito, tulad ng ibang batas ay dapat sundin at ipatupad. Ang isang hindi mabuting batas ay maaaring labanan at palitan kung kinakailangan ngunit hindi maling ipatutupad. At kami ay lalapit sa Consulta upang labanan ang buong nilalamn ng dekreto” – dagdag pa ni Bonaccini.

Habang ang Piedmont, Calabria at Sardegna ay naghihintay na lamang ng opisyal na botohan.

Ang Basilicata Region, sa pangunguna ng Bise Presidente na si Flavia Franconi ay magsusulong din ng apela sa Korte.

Samantala, ang Lazio ay kasalukuyang sinusuring mabuti ang mga kaganapan. Pansamantalang nagbigay ng direktiba si Zingaretti sa Asl na huwag ihinto ang health assistance kahit kanino, anuman ang kundisyon ng pananatili sa bansa.

Matatandaang ang alkalde ng Palermo na si Leoluca Orlando ang unang alkalde na nagpahayag ng pagtutol sa dekreto sa pamamagitan ng isang ordinansa sa anagrafe na ipagpatuloy ang pagtatala bilang residente sa mga migrante na mayroong regular na dokumento na matinding ikinagalit ni Salvini. Hindi umano makatao ang naturang batas dahil ito maglalagay sa libu-libong imigrante sa lansangan na posibleng maging sanhi at maging biktima ng krimen.

Ang isang batas na labag sa Konstitusyon ay hindi namin ipinatutupad sa Napoli. Ito ang direksyon ng aming administrasyon. Hindi kami nangangailangan ng anumang dokumentong dapat aprubahan. At ipinagmamalaki ko ang isang administrasyon na nagkakaisa sa iisang direksyon. Ang bahagi ng ‘legge di sicurezza’ ay labag sa Saligang Batas na nagbibigay ng pantay pantay na karapatan at obligasyon”, ayon kay Luigi De Magistris, ang alkalde ng Napoli.

Bilang isang Comune ay responsabilidad naming huwag pabayaan sa lansangan ang sinuman kahit na ito ay magbibigay ng sakripisyo sa aming budget. Hindi namin pahihintulutang hayaan ang humanitarian assistance dahil naniniwala kami na ang mga taong ito ay may malinis na intenso at nais na maging bahagi ng bansang ito sa pamamagitan ng wastong intgrasyon. Amin ng sinimulan ang pakikipag-usap sa third sector, mga boluntaryo, private sector na may mga pangunahing roleDario Nardella ng Florence.

 

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy na nanuntok ng 118 responder sa Firenze, sinampahan ng kaso

Reddito di Cittadinanza, matatanggap din ng mga dayuhang 10 taong residente sa Italya