Ang pagpasok sa Italya ng dayuhang mamamayan para makapag-trabaho, maliban sa ilang exemption, ay esklusibong sa pamamagitan ng limitasyon sa bilang at sektor na itinatalaga ng batas.
Sa katunayan, ilang kategorya lamang ng mga manggagawa mula sa ibang bansa na kabilang sa listahan ng mga maaaring makapag-trabaho sa Italya ang pinahihintulutan, sa pamamagitan ng tinatawag na “Decreto Flussi“, na itinatakda taun-taon ng Gobyerno ng Italya.
Samakatwid, batay sa batas 40 ng 1998, taun-taon ay naglalabas ang Gobyerno ng Dekreto na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga dayuhan para mag-trabaho – subordinate, self-employed at seasonal workers – na may limitadong bilang ng mga manggagawa mula sa ilang non-EU countries na makatutugon sa mga pangangailangan sa bansa.
Sa katunayan, taun-taon ay itinatakda ng mga kumpanya at samakatwid ang mga manggagawa, na karaniwang kinabibilangan ng tourism and hospitality industry at agriculture (partikular ang seasonal job), pati na rin ang iba pang sektor, tulad ng construction at transportation, hair dresser, service sector tulad ng domestic workers at caregivers na kabilang sa inaprubahang Decreto Flussi 2023.
Sa bagong Decreto Flussi na inaprubahan kamakailan ay nasasaad din ang mga uri ng nulla osta o work permit na maaaring i-aplay ng mga employer:
- lavoro subordinato stagionale o non stagionale (seasonal or non-seasonal subordinate job);
- lavoro autonomo (self-employment);
- conversion ng permit to stay o ng EC long term residence permit mula sa ibang EU coutries.
Gayunpaman, nananatiling kailangang hintayin ang paglabas ng Ministerial decree o Implementing rules and regulations, upang malaman ang mas detalyadong pamamaraan.
Pagkakaiba ng Decreto Flussi at Regolarizzazione
Ang Decreto Flussi at ang Regolarizzazione, (kilala rin bilang sanatoria o emersione), ay dalawang magkaiba at makahiwalay na paraan. Ang pangunahing pagkakaiba, sa katunayan, ay ang pagiging residente ng dayuhan sa ibang bansa at samakatwid ay wala sa Italya – sa unang nabanggit – o ang nakatira na sa Italya ngunit undocumented o walang balidong dokumento upang manatili at magtrabaho sa Italya – para naman sa ikalawang kaso.
Gayunpaman, sa parehong kaso, ay kailangang hintayin ang paglabas ng batas buhat sa Gobyerno. Karaniwan, ang Decreto Flussi ay inilalathala taun-taon habang ang Regolarizzazione naman ay isang espesyal o di pangkaraniwang batas at hindi inilalathala taun-taon.
Ang Decreto Flussi ay ang regular na paraan ng pagpasok ng mga non-EU nationals na nakatira sa ibang bansa na nagnanais na makapasok at makapag-trabaho sa Italya. Sa madaling salita, ang employer na nais mag-empleyo ng isang Pilipino, sa pamamagitan ng quota o bilang na itinalaga ng Decreto Flussi – na maaaring per lavoro subordinato stagionale o non-stagionale – ay nagre-request o nagsusumite ng aplikasyon para sa “nulla osta”online sa pamamagitan ng website ng Sportello Unico per l’Immigrazione at kailangang patunayan ang pagiging kwalipikado o ang pagkakaroon ng mga requirements sa page-empleyo ng dayuhang manggagawa.
Ngunit dahil ang pangunahing kundisyon sa Decreto Flussi ay ang paninirahan ng dayuhan sa ibang bansa, ang dayuhang manggagawa na nasa Italya na at walang balidong dokumento sa paninirahan dito ay hindi maaaring maging regular sa pamamagitan ng prosesong ito. Maliban na lamang kung sya ay uuwi ng Pilipinas at muling papasok ng reglar sa Italya.
Sa halip ay ang ikalawang proseso, ang Sanatoria o Regularizaazione o Emersione na tumutukoy sa pagre-regular sa posisyon ng dayuhang nasa Italya na ng walang balidong dokumento tulad ng inilabas ng Gobyerno noong panahon ng Pandemya.
Basahin din:
- Regularization makalipas 2 taon: 100,000 katao, naghihintay pa rin ng permesso di soggiorno
- Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025