“Isang awtomatikong pagsubaybay sa lalong madaling panahon”. Sa taong 2011, ang 22.4% ng mga pagsisiyasat ay sumasakop sa media. Parliyamento, gagawing opisyal ang convention sa Cybercrime”
Roma – Pebrero 15, 2012 – Kahapon si Borghezio at Bastoni ng Lega Nord ay naghayag ng pagnanais ng isang website anti-immigrant. Ngayong araw na ito ang Head Office laban sa diskriminasyon ay naghayag na ang ‘pagbabantay ng UNAR – Ufficio Nazionale Antidiscriminazioni Razziali – ng mga pangyayaring ukol sa deskriminasyon ay palagi at epektibo at sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng isang sistema ng awtomatiko at makabagong pagbabantay on line.
Ayon sa UNAR sa nakalipas na tatlong taon ay mabilis na dumami sa bilang ang mga site, blog at post kung saan ang tanggapan ay kumilos upang mapalabo o matanggal ng Postal Police, o ang magsampa ng krimen sa hukuman dahil sa paghahasik ng galit o poot panlahi. Noong 2011 sa 1000 pagsisiyasat na isinagawa ng tanggapan, 22.4% (kumpara sa 12.4% ng 373 pagsisiyasat sa taong 2009) ay sumasakop sa media at 84% naman ng mga ito may ugnay sa xenophobic phenomenon o rasismo sa internet.
“Sa ilalim ng kasalukuyang mga tuntunin – paalala ni Monnanni – ang sinumang gumawa ng propaganda o nag-uudyok ng mga gawain ng diskriminasyon batay sa lahi o etniko ay gumagawa ng isang krimen at ang UNAR, matapos mapatunayan ang katotohanan ng reklamo na natanggap sa pamamagitan ng www.unar site o ng free toll number 800 90 10 10, ay hindi mag-aatubiling ipagbigay alam sa Postal Police o sa judicial authority tulad ng ginagawa mula pa noong 2010 at kahit sa kawalan ng anumang ulat mula sa third party, na batay sa pangaraw-araw na press release at ng patuloy na pagsubaybay ng mga website, social network at ng Internet ng ating mga Contact Center. “
“Ang aksyon upang labanan ang deskriminasyon on line- pagtatapos pa ng Director ng UNAR – ay isa sa mga lumalabas na prayoridad kahit sa UN at ang Konseho ng Europa at ganap na naunawaan ng UNAR ay binigyang diin ang pangangailangan ng madaliang pagpapatibay ng karagdagang Protocol sa convention ng Konseho ng Europa sa Cybercrime sa parliyamento na pinirmahan noong
Nobyembre 9 sa pamamagitan ng pamahalaang Italyano at bilang karagdagan sa pagpapatibay ng legal na epekto kaugnay sa krimen ng rasismo at deskriminasyon na karaniwan sa internet, ay magpapahintulot sa mga awtoridad, sa pulisya at hukuman upang mapatakbo sa buong bisa maging sa xenophobic at racist site na gumagana sa labas ng bansa. ” .