"Nais kong makipag-transaksyon sa mga dayuhan dahil sa aking dugong dayuhan”, ayon sa may-ari. Ngunit hindi ito nagustuhan ng mga italians: “Racist!”
Padova – Pebrero 18, 2015 – Kung salita ang pagbabatayan, ang anunsyo ay isang uri ng rasismo. Ngunit ito ay tumutukoy sa kabaligtaran ng karaniwang pangyayari nito rasismo sa Italya at nag-aanyaya sa isang malalim na pagninilay, higit pa sa galit na maaring idulot nito.
Sa loob ng ilang araw, sa harap ng isang gusali ng Battaglia Terme, isang maliit na bayan sa lalawigan ng Padua, ay makikita ang dalawang partikular na karatola sa pagbebenta ng apartment . Sa una ay mababasa: “Ground floor apartment for sale. Preferably sa mga Romanians, Chinese at Gypsies". Samantala ang ikalawa naman ay tila isang ethnic promotion: “Ground floor apartment for sale. Diskwento ng 6.000 euros sa mga dayuhang Romanians, Chinese at Gypsies".
Mabilis na kumalat sa mga lokal na pahayagan ang anunsyo dahil ang karawaniwang anunsyo ng mga ahensya ng real estate ay “no to foreigners”, at ang dalawang nabanggit na karatola ay tunay namang isang bagong balita.
Ayon sa may-ari sa panayam ng Mattino di Padova na ang kanyang anunsyo ay hindi isang paghahasik ng galit. “Inihayag ko lamang ang aking napiling future owners. Ano ang masama dito?, isang katanungang walang halong masamang intensyon. “Ang aking ina ay isang Croatian, mula sa lahi ng Gypsy at dahil sa dugong aking tinataglay, nais kong makipag-transaksyon sa mga dayuhan, kabilang ang mga Gypsies. Sa palagay ko ay walang anumang mali dito, hindi ako isang racist”, paliwanag pa ng owner.
Ngunit ang pagpiling ito ay naghasik ng inis, marahil buhat sa mga kapitbahay na away magkaroon ng dayuhang kapitbahay o marahil buhat sa mga potensyal na italian buyers na naramdamang sila ay descriminated. Ngunit sa parehong karatola ay may pang-iinsultong isinagot sa nakasulat: “Kayo ay nasa Italya, racist, mahiya ka! Kasunod nito ay isang mura….
Ang may-ari, gayunpaman, ay hindi nasindak. “At idadagdag ko pa: ang apartment ay aking ibinebenta sa halagang 130,000 euros at tulad sa aking unang anunsyo, isang diskwento ng 5000 euros na nakalaan lamang sa mga dayuhan. At dahil sa paninirang ito, ang diskwento ay aking itataas sa 6000 euros sa unang dayuhan, magiging kanya ang apartment sa halagang 124,000 euros”.