Nananatiling matatag ang bilang ng mga nabibigyan ngcitizenship, habang nadodoble naman ang bilang ng mga pinagkakaitan nito.
Rome – “Ako ay nanunumpa na maging tapat sa Republika at susundin ang Konstitusyon at mga batas ng bansa.“ Apat na pung libong (40,000) ang mga bagong Italians ang naitala noong nakaraang taon.
Ayonsa isang ulat ng Ministri ng Interior, sa taong 2010, higit sa 21,000 ang mga imigrante ang binigyan ng citizenship sa pamamagitan ng residence o nangangahulugang dayuhang residente ng Italya sa loob ng sampung taon o mga EU nationals na naninirhan sa Italya ng hindi bababa sa limang taon. Higit sa labing walong libon naman ang nakakuha ng citizenship sa pamamagitan ng kasal o pagiging kabiyak ng isang mamamayang Italyano.
Nangunguna ang bansang Morocco(6,952), na sinusundan ng Albania (5628) at Romania (2929). Kung ikukumpara noong 2009, ang konsesyon ng citizenship ay nadagdagan lamang ng 0.34% habang ang pagdi deny ng citizenship ay halos nadoble naman, mula 859 sa 1.634. Malaki pa rin ang bilang ng mga aplikasyon para sa citizenship na kasalukuyang naghihintay ng kasagutan. Umabot nà sa halos 150,000 ang mga aplikasyon sa huling bahagi ng taong 2010.
Ngunit hindi ito ang kumpletong numero dahil hindi kabilang sa istatistika ang ikalawang henerasyon, anak ng mga imigrante, ipinanganak at lumaki sa Italya na piniling maging Italyano pagsapit ng edad na 18.
Narito ang bilang ng citizenship na ipinagkaloob ng Ministry of Interior.