Ang bonus ng € 800 ay ibibigay sa lahat ng mga Nanay, kahit sa mga Nanay na dayuhan.
Tinanggihan ng Milan Court of Appeals ang apila ng Inps laban sa ordinansa ng Hukom noong nakaraang Disyembre na nag-uutos dito na kilalanin at ibigay ang bonus sa lahat ng mga Nanay, kahit mga dayuhan kahit walang EC long term residence permit o carta di soggiorno.
Samakatwid ay tinanggap ng hukom ang apila ng ASGI, APN at Fondazione Piccini na humiling na ipagkaloob ang bonus sa lahat ng mga Nanay, kahit dayuhan na regular na naninirahan ang bansa.
Ayon sa Asgi, “kasunod ng unang hatol – na itinuring na isang diskriminasyon dahil sa paghihigpit na ginawa ng Inps sa pagpapatupad ng batas – ay binago ng Inps ang komunikasyon sa Messaggio n. 661 ng Feb 13, 2018, sa pagpapatupad sa ordinansa”.
Bagaman ito ay nagpahintulot sa mga dayuhang Ina na magkapagsumite ng aplikasyon, ay binigyang-diin din ng Inps ang pagbibigay ng allowance ‘con riserva’ batay umano sa magiging posibleng pagbabago ng hatol.
Samakatwid, sa pagsunod at pagpapalawak ng Inps sa beneficiaries ng bonus ay mayroong isang mahalagang clause na nagbibigay limitasyon (o con riserva) batay umano sa magiging pagbabago ng hatol.
Ito ay hindi binigyang katwiran ng korte.