Ang buong proseso ay gagawin sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Matapos ma-fill up ang form, ay dapat i-save, at ipadala matapos ang publication ng direct hire.
Roma – Marso 22, 2012 – Ang direct hire na pinirmahan ilang araw na ang nakaraan ng pamahalaan ay magpapahintulot sa pagpasok ng 35,000 seasonal workers at 4,000 workers na sumailalim sa mga programa ng pagsasanay sa sariling bansa. Ang mga employer ay kailangang maghintay ng publikasyon ng teksto sa Official Gazzette bago ito ipadala, sa ngayon ay maaari pa lamang ihanda ang mga aplikasyon.
Sa sinumang nagnanais na gawin ang buong proseso ng hindi lalapit sa mga awtorisadong asosasyon, grupo o job consultant, ay dapat magtungo sa website nullaostalavoro.interno.it. Matapos ang pagrerehistro, ay dapat ilagay ang email address at password na magpapahintulot sa pagpasok sa ‘area riservata’, upang ma-download ang ang mga forms sa pamamagitan ng ‘richiesta moduli’.
Para sa mga seasonal workers, ay kailangang gamitin ang form C “Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato stagionale”, para naman sa mga workers na sumailalim sa mga special courses, ay dapat gamitin ang form BPS “Richiesta nominativi di nulla osta al lavoro subordinato ai sensi degli articoli 22 e 23 del D. Lgs. 25.07.1988, n. 287 e art. 30 D.P.R. n. 394/99 successive modifiche e integrazioni, riservata all’assunzione di lavoratori inseriti nei progetti speciali”. Ang buong form ay dapat sagutan on line, at i-save pagkatapos sa pamamagitan ng ‘salva’.
Matapos i-save ang mga sagot at ang buong aplikasyon ay kailangan na lamang hintayin ang publikasyon sa Official Gazzette. Sisimulang ipadala ang aplikasyon 8:00 ng umaga ng susunod na araw matapos ang publikasyon. Muling papasok sa website nullaostalavoro.interno.itat gamit ang parehong email address at password, sa seksyon ng “Domande” ay maaaring ipadala ang aplikasyon.