Inilathala kamakailan ng Inps ang opisyal na simula ng pagsusumite ng bonus asilo nido 2018 hanggang Dec 31, 2018. Narito ang mga detalye.
Sinimulan noong Jan 29, 2018 ang pagsusumite ng aplikasyon para matanggap ang € 1000 bonus asilo nido 2018. Ito ay isang tulong pinansyal sa mga pamilya sa pagbabayad ng asilo nido o nursery school, publiko o pribado man.
Ito ay nasasaad sa artikulo 1, talata 355 ng batas Dec 1, 2016 bilang 232, at muling kinumpirma para sa taong 2018, ng Legge di Bilancio kasama ang ilan pang ayuda sa mga pamilya tulad ng bonus mamma domani at bonus bebe.
Inilathala kamakailan ng Inps ang bagong Circular upang opisyal na ianunsyo ang simula ng pagsusumite ng mga aplikasyon mula Jan 28 hanggang Dec 31, 2018.
Ang Bonus Asilo Nido ay matatanggap bilang reimbursement sa ginastos sa pagpasok ng mga anak sa asilo nido. Upang matanggap ito, ang magulang ay kailangang magsumite ng aplikasyon lakip ang mga kinakailangang requirements tulad ng pinagbayaran sa asilo nido sa pamamagitan ng resibo (quietanza di pagamento), Invoice (fattura) at ang Postal or bank payment (bollettino bancario o postale). Tandaan na ang magulang na nagbabayad ng nursery fee ang kailangang magsumite ng aplikasyon.
Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng:
- online gamit ang personal pin ng Inps;
- pagtawag sa toll free number 803.164 mula land line, 8am hanggang 8pm mula Lunes hanggang Biyernes at 8am hanggang 2pm ng Sabado. At 06.164164 mula sa mga cellular phones;
- sa tulong ng mga Patronati.
Matapos matanggap ng Inps ang aplikasyon ay susuriing mabuti ang mga datos at lakip na dokumentasyon.
Sakaling positibo ay matatanggap ang bonus na nagkakahalagang € 90,91 (may kabuuang €1000) sa loob ng 11 buwan.
Samantala kung ang bonus ay sa pamamagitan ng home assistance sa kaso ng mga batang may malalang karamdaman, ang bonus ay matatanggp ng magulang matapos isumite ang mediacl certificate kung saan nasasaad ang kawalan ng kakayahan ng batang pumasok sa nursery school. Ang aplikanteng magulang ay kailang kasama sa tirahan ng batang may karamdaman.
Maaaring mag-aplay ang mga sumusunod:
- Italians;
- Europeans;
- Mamamayang mayroong EC long term residence permit o ang permesso UE per lungo soggiornanti;
- Mamamayang mayroong carta di soggiorno per familiari non cittadini UE;
- Mamamayang may international protection o refugee status.
Gayunpaman, paalala ng Inps na ang bonus ay mayroong limited fund tulad ng nasasaad sa artikulo 7 ng DPCM Feb 17 2017 at para sa atong 2018 ay nakalaan ang 250M euros at ito ay ibibigay sa mga kwalipikadong magulang batay sa panahon ng pagsusumite ng aplikasyon.