in

APLIKASYON NG EUROPEAN DIRECTIVE SA PUBLIC PROSECUTOR’S OFFICE (PROCURA) SA ROMA

Matapos ang Firenze, Torino at Pinerolo, sa Roma naman ang aplikasyon.

Ang Public Prosecutor’s office ng Roma mula sa Enero 1 ay ina-aplika na rin ang European directive 2008/115/EC ukol sa pagpapatalsik sa mga iligal na dayuhan na dapat ay naaayon sa Bossi-Fini law.

Kahit na patuloy ang mga report ng presensya ng mga iligal na dayuhan at ang pag-aresto sa mga ito, ang mga paglilitis laban sa kanila ay nape-pending sa mga archives. Para sa European Community, ang gobyerno ng Italyano ay dapat itulad mula noong nakaraang Disyembre 24, 2010 ang aplikasyon ng batas, ngunit hindi ito naganap. Samakatuwid, ang mga tagausig ng Roma tulad ng mga ng Florence, Turin at Pinerolo ay nagpasya na gumawa ng kanilang sariling mga aplikasyon bilang probisyon sa European directive.

Ayon sa head ng Public Prosecutor’s office na si Giovanni Ferrara at sa kanyang kasama na si Leonardo Frison, na nakikipag-coordinate sa pool na syang pinagkakatiwalaan ng imbestigasyon sa immigration, ay ipa-aabot sa pulis ang mga probisyon na mula sa ngayon ay dapat sumunod sa bagong operasyon sa pagpigil ng mga iligal na dayuhan. Ang mga public prosecutor’s office ay dapat namang ipaalam sa mga kinauukulan ang nabanggit na bagong alituntunin upang ito ay ipatupad at ito ay ayon na rin sa European Community.

Ito ngayon ay naaayon na sa mga hukom upang punan ang mga puwang ng regulasyon upang maiwasan ang hindi aplikasyon nito na maaaring maging sanhi ng kaukulang parusa para sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ROMA-CAPUT MUNDI

‘BALITANG PINAS’ Salitang e-load, pati sa kuryente na rin!