in

Aplikasyon ng mga seasonal workers, simula ngayong araw na ito

Simula ngayong araw na ito ay maaaring papuntahin sa bansang Italya at i-empleyo ang 30,000 non-EU seasonal workers. Lahat ay gagawin online. Isang maikling gabay na nagpapakita ng bawat hakbang sa pagpapadala ng aplikasyon. Narito kung paano:

Roma – Marso 26, 2013 – Ang bagong dekreto ay inilathala kahapon sa Official Gazette. Simula alas 8 ng umaga ngayong araw na ito, Marso 26, hanggang alas 12 ng gabi ng Disyembre 31, 2013, ang mga employer ay maaaring ipadala online ang mga aplikasyon upang mapapunta sa bansang Italya at i-empleyo ang 30,000 mga non-EU seasonal workers sa pamamagitan ng bagong ‘decreto flussi’.

Ang mga employer ay maaari nang magsumite on line ng aplikasyon sa pamamagitan ng sariling pc o sa tulong ng mga ‘patronati’. Inaasahasang sapat ang bilang upang matugunan ang pangangailangan sa sektor ng agrikultura at turismo, ngunit ang sinumang nangangailangan ng ‘manpower’ ay makabubuting magmadali dahil nangangailangan ng ilang buwan bago makarating ang worker sa bansa.

Tulad sa nakaraan, ang mga workers ay mangagaling sa mga sumusunod na bansa: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia, Croatia, Egypt, Philippines, Gambia, India, Kosovo, Ex-Yugoslavia, Morocco, Moldavia, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine at Tunisia.

Ang 5,000 sa 30,000 new entries ay nakalaan sa mga seasonal workers na nagtungo na sa bansang Italya nang hindi bababa sa 2 magkasunod na taon at ang mga employer ay nag-request para sa kanilang multi-annual permit para sa lavoro subordinato stagionale.

Sa sinumang nasa bansang Italya noong nakaraang taon, ay maaaring bumalik sa bansa kahit ang bansang pinagmulan ay hindi kabilang sa mga nabanggit, at kung ang employer ay nananatiling tulad noong nakaraang taon. Sa kasong ito ay susundin ang tinatawag na silent-consent o silenzio-assenso: at ang aplikasyon ay awtomatikong tanggap, kung sa loob ng 20 araw mula sa pagsususmite nito ay walang dumating na anumang komunikasyon buhat saQuestura o Direzione Territoriale del Lavoro.

Sa pagpasok ng worker sa Italya, kasama ang employer ay magtutungo sa Sportello Unico per l’immigrazione upang pirmahan ang working permit o contratto di soggiorno , at awtomatikong sisimulan ang employment contract o comunicazione di assunzione. Isang proseso ng simplipikasyon upang mapadali ang pagpasok ng mga mangagawa sa bansang Italya.

Paano i-fill up ang aplikasyon online para sa seasonal worker

1) Mag- log on sa website nullaostalavoro.interno.it at kung hindi pa rehistrado, simulan ito sa pamamagitan ng “Effettua Registrazione”:

2) I-fill up ang aplikasyon gamit ang sariling datas, at isulat ang 5 digit control, pagkatapos i-click ang “invia”

3) Tulad ng paliwanag sa mensahe, matatanggap ang isang email kung saan nasusulat ang gabay para makumpleto ang registration:

4) Matapos ang registration, mag-log on ulit sa nullaostalavoro.interno.it, gamit ang email at password, i-click ang “invia”:

5) Sa pahina ng “servizi disponibili”, i-click ang “Richiesta moduli”:

6) I-click sa “Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato stagionale – Modulo C

7) Ito ang unang pahina ng form. I-click sa “Avanti”, upang masimulan ang pagpi-fill up

8) Dapat ilagay ang mga personal datas ng employer

9) Pagkatapos ay ang datas ng worker

10) PAALALA: Kailangang tukuyin kung ang hinihiling ay annual working permit, na nagpapahintulot sa pagpasok ng worker sa Italya para sa taong 2013 lamang, o ang multi-annual permit na magpapahintulot naman sa worker na makapasok muli sa mga susunod na taon sa mas simpleng pamamaraan

11) Tukuyin sa contract proposal ang haba ng panahon ng trabaho, ang basihang national collective contract , ang antas at uri ng trahabo

12) Ang lugar kung saan magta-trabaho

13) Kung saan maninirahan ang worker

14) Dapat mangako ang employer sa pagbabayad ng anumang gastusin sakaling magkaroon ng expulsion ang worker at mangangako rin na ipagbibigay alam ang anumang uri ng pagbabago sa kontrata:

15) Ilagay ang impormasyon ukol sa bilang ng mga manggagawa at ang invoice ng kumpanya:

16) Ilagay kung saan nais matanggap ang anumang uri ng komunikasyon:

17) Ilagay ang stamp number na nagkakahalaga ng 14,62 euro, kumpirmahin at i-click ang “salva” upang i-save ang aplikasyon.

Ang aplikasyon, sa puntong ito ay handa na. Mag log on lang sa nullaostalavoro.interno.it, i-click ang “domanda da inviare”, at pagkatapos ay “invia

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Stagionali. Pubblicato il decreto flussi da 30 mila ingressi

Italian-Filipino Chess Team Goodwill Match, sa paglulunsad ng FEMICA