in

Aplikasyon ng Regularization, dapat ay higit sa 141,000

Undersecretary Ruperto: “Ang ilang mga employer, matapos bayaran ang kontribusyon ng 1,000 euros at i-fill up ang mfa form, ay hindi ito ipinadala. Halos 7 hanggang 8 libong mga aplikasyon na ayon sa gobyerno ay maaaring ituring na naipadala.

Rome, Nob 7, 2012 – Ang mga aplikasyon sa regularization ng mga workers ay maaaring higit sa 134,576 na ipinadala hanggang noong nakaraang Oct 15, ayon kay Undersecretary ng Interior na si Saverio Ruperto.

Ang ilang mga employer, sa katunayan, matapos bayaran ang kontribusyon ng 1,000 euros at i-fill up ang aplikasyon, ay hindi naman ipinadala ang mga ito. Tinatayang 7 hanggang 8 libong aplikasyon na “ang gobyerno ay maaaring ituring na ang mga ito ay naipadala”.

Ang mga filled up forms sa katunayan, paliwanag pa ni undersecretary sa ginawang convention na inorganisa ng Uil sa Roma, ay umabot sa 141.498 ngunit ang kabuuang bilang ng mga ipinadalang aplikasyon ng mga employer ay 134.576. “Lumabas ang bilang ng mga nagbayad ng kontribusyon ngunit hindi naman ipinadala ang mga aplikasyon”.

 “Para sa akin – ayon pa kay Ruperto – matapos bayaran ang obligasyong pinansyal ay hindi dapat maapektuhan ang nais na i-regular na worker at para sa mga ganitong kaso ay ‘maaaring ituring’ ang mga aplikasyon na naipadala”. Inamin rin ni Ruperto na “malaki ang pagkakaiba sa bilang ng mga domestic workers at ng subordinate jobs, at hindi rin maaring di isaalang-alang na ang ilang mga employer ay nagsumite ng aplikasyong iba sa tunay na sektor ng worker, at maaaring baguhin ang kontrato matapos ang buong proseso.

Ayon sa kalkulasyon ng Uil, ang gawing regular ang isang colf ay nagkakahalaga ng halos 2,000 euros at 6-10,000 euros naman sa ibang sektor. “Ang Viminale ay magsasagawa ng mga control kung magtutugma ang mga deklarasyon sa totoong sektor at uri ng trabaho ng worker”, pagsisiguro pa nito. Ang undersecretary ay inamin din na maaaring naging mas maganda ang resulta ng huling sanatoria – bilang pagsuporta kay Giuseppe Casucci ng Uil na nagsalita ukol naman sa “kalahating milyong dapat sana ay nakinabang nito” – ngunit ang sitwasyong pulitikal, kung saan ang majority ay binubuo ng iba’t ibang partido na mayroong iba’t ibang pananaw ukol dito ang naging hadlang”.  

“Ito ay naging isang magandang pagkakataon, hindi naman natin inasahan ang i-regular ang buong mundo”. Mula sa mga unyon – bukod kay Casucci ay nagsalita rin sina Pietro ng Cgil – at binigyang diin ang kahilingang susog sa Immigration Act – Testo Unico sull’immigrazione. “Ang batas ay dapat iangkop dahil ang mga pagbabawal ay nagpakita na walang magandang resulta” pagtatapos pa ni Soldini.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Barack Obama’s victory speech

Online Registration at Voting ng mga Pinoys abroad, mamadaliin