Ang mga employer ay maaari ng magsumite ng mga aplikasyon online. Narito kung paano.
Roma – Abril 11, 2014 – Mula 8:00 am kahapon ng umaaga hanggang sa hatinggabi ng Disyembre 31, 2014, ang mga employer ay maaaring ipadala ang aplikasyon para sa 15,000 seasonal workers.
Ang dekreto ay inilathala noong nakaraang Miyerkules sa Official Gazette kung saan binibigyan ng pahintulot ang pagpasok ng mga manggagawa buhat sa Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Egypt, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, ex Yugoslav Republic of Macedonia, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Tunisia at Ukraine.
Kabilang din ang 3,000 seasonal workers (anuman ang bansang pinagmulan), na nakapag-trabaho na sa Italya ng dalawang magkasunod na taon dahil sa multiple entry na inaplay ng kanilang mga employer. Dahil dito ay maaaring bumalik sa Italya ang mga workers ng hindi na kailangang hintayin pa ang decreto flussi.
Inaasahang sapat ang bilang na itinakda ng dekreto ngunit ipinapayaong magmadali ang sinumang nangangailangan ng manggagawa dahil ilang buwan din ang lilipas bago makapasok ang worker sa Italya.
Lahat ay gagawin online, sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior: nullaostalavoro.interno.it, gamit ang sariling pc o sa tulong ng mga asosasyon.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]