Kinumpirma ng Interior Ministry na “mahirap ang sitwasyon” ng kanilang tanggapan at hindi mabawasan man lamang ang mga aplikasyon. “Sa pagsusumikpa na madagdagan ang productivity, ay tumataas naman ang demand”.
Roma, Abril 5, 2016 – Higit sa 200,000 ang mga dayuhan na nag-aplay ng Italian citizenship at kasalukuyang naghihintay ng kasagutan. Ang kanilang aplikasyon ay patuloy ang paglalakbay sa mga tanggapan na sumusuri isa-isa at nagbibigay ng opinyon kung karapatdapat-dapat magkaroon ng Italian passport o hindi. Isang mahaba at walang kasiguraduhang paglalakbay kung saan ang mga requirements na hinihingi ng batas ay pinapatunayan sa pamamagitan ng mga dokumento na sumasailalim sa mga masusing pagsusuri.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas sa huling paglalarawan ng Interior Ministry ng mga natanggap na aplikasyon. Hanggang nitong March 25 ay mayroong 208,465 aplikasyon na sasailalaim sa mga pagsusuri (o in istruttoria). Halos one-fourth o 54,566 ang mga isinumite ng mga dayuhang ikinasal sa mga mamamayang italyano at humihingi ng citizenship by marriage. Ang malaking bahagi, 162,899 ay buhat sa mga imigarnte na nais maging ganap na italyano matapos ang ilang taong regular na paninirahan sa bansa (4 na taon para sa mga Europeans at 10 taon naman para sa mga non-Europeans).
Ang istatistika (larawan sa ibaba) ay naglalarawan ng parami ng paraming nagnanais sa maging Italian citizen at samakatwid ay nadadagdagan ang mga beterano na nagiging kwalipikado: 30,000 ang mga aplikasyon noong 2006, halos 120,000 noong 2015.
Sa kabila ng nababawasan ang mga ito dahil sa tulong na sanhi ng online procedure, sa huli ay pawang mga tao pa rin ang sumusuri sa mga ito at ang empleyado ng Ministry ay hindi naman nadagdagan tulad ng pagdami ng mga aspiring Italians.
Noong 2015 ay mayroong 117,178 bagong application for marriage o residency, habang ang mga natapos na masuring aplikasyon naman (positibo at mga tinaggihan) ay 125,501, halos lahat ay mga aplikasyon sa isinumite sa nakaraan. At samakatwid ang mga nasuri ay mas madami kaysa sa mga aplikasyon at ito ay nangyari sa unang pagkakataon lamang. Marahil ito ay senyales sa simula ng pagtatapos sa mga pending applications, kung ang bilang ng mga aplikasyon ay tulad sa nakaraan, ay marahil madaling nasuri at natapos ang mga ito.
Kung maaaprubahan ang reporma ng pagkamamamayan, sa katunayan, dadaan din sa Interior Ministry ang lahat ng mga aplikasyon ng mga anak ng mg imigrante na ipinanganak at lumaki sa Italya pati na rin ang mga sumapit sa wastong gulang na pagkakalooban ng citizenship ng bagong reporma. Ang lahat ng mga ito ay tunay na lalong magpapabigat sa kalagayan ng Minsitry.
Lahat ng ito ay alam ng Interior Ministry. Sa katunayan, noong nakaraang linggo sa senado, ay ninais tapusin ni Angelo Di Caprio, ang Over all Director for Civil Rights, Citizenship and Minorities, ang naging pagdinig sa pagpapa-alala sa “mahirap na sitwasyon ng mga tanggapan, dahil sa administrative procedure na nananatiling mabusisi sa kabila ng pagsusumikap na gawing high technology at online ito”.
“Sa kabila ng mga pagsisikap na patuloy na dagdagan ang productivity ng mga tanggapan – ayon sa prefect – ay mas mabilis ang pagdami ng mga aplikasyon”. Resulta? 200,000 ang mga aplikasyon na naghihintay ng kasagutan.