in

Aplikasyon sa italian citizenship, online simula ngayong araw

Simula ngayong araw na ito, May 18, ang mga nais maging ganap na italyano ay magkakaroon ng mas mabilis at mas madaling proseso, isang ‘click’ na lamang.
 

 

 


Roma, Mayo 18, 2015 – Inilunsad ang bagong sistema ng pagsusumite ng aplikasyon. Ang sinumang kwalipikado o nagtataglay ng mga requirements para sa italian citizenship (residency at marriage), sa pamamagitan ng website na inilaan ng Ministry of Interior: https://cittadinanza.dlci.interno.it., matapos ang magparehistro ay magkakaroon ng access sa e-form.

Una sa lahat ay siguraduhin ang pagkakaroon ng dokumento ng pagkakakilanlan, dokumentasyong buhat sa sariling bansa, tulad ng birth certificate at police clearance at ang resibo ng pinagbayarang kontribusyon ng postal bill ng 200 euros na hinihingi ng batas sa bawat aplikasyon. Ang mga ito ay kailangang i-scan at ilakip sa e-form.

Inaasahan ang pagiging mas madali ng bagong proseso. Ngunit sa pagkakataong ito, ay hindi kabilang ang mga ‘patronati’ sa libreng magbibigay ng serbisyo sa pagpi-fill up at pagpapadala ng e-form. Maaari lamang magbigay ng mga impormasyon ukol sa mga requirements at mga dokumento na kinakailangan sa paga-aplay.

Hanggang dalawang buwan, ang bagong sistema ay experimental at isasabay sa lumang sistema nang personal na pagsusumite sa prefecture. Simula June 18, ang mga aplikasyon sa citizenship ay maaaring isumite online lamang.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship online, hindi kabilang ang mga patronati

Paano ang renewal ng permit to stay?