Riccardi: "Kailangang iwasan sa anumang paraan ang pagkakaroon ng pormasyon ng mga hindi regular na dayuhan"
Roma, Oktubre 10, 2012 – "Sa Oktubre 15 ay magtatapos ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga employer na gawing regular ang mga undocumented na mayroong sapat na requirements at qualified sa regularization: sa kasalukuyan ay umabot sa 70,000 ang mga aplikasyon.
Ito ang mga sinabi ng Minister of Cooperation and Integration, Andrea Riccardi, sa kanyang pagsasalita sa conference sa "Percorsi di integrazione della comunita' latino americana in Italia" at nagsalita ukol sa batas na nagpapahintulot sa mga employer na gawing regular ang mga manggagawang hindi regular.
"Kailangang iwasan sa anumang paraan at ginawa natin ito sa pamamagitan ng isang dekreto – ayon sa ministro – ang pagbibigay ng pagkakataon sa pormasyon ng mga hindi regular na dayuhan. Sa puntong ito ay kailangan nating maging matigas. Kami ay nanininwala na kinakailangan ang mga imigrante sa kinabukasan ng Italya at ang kanilang pananatili sa bansa ay dapat na maging matibay at malinaw ang pundasyon, sa pamamagitan ng tamang paraan”.