in

Aplikasyon sa social card ng mga migrante, di tinatanggap ng Poste Italiane!

Reklamo ng Inca Cigl : "Hindi lamang misinformation, ang software ng Poste ay nakalaan lamang sa mga Italians. Hindi makatarungan!”

Rome – Pebrero 17, 2014 – Tila walang pagbabago. Ang legge di stabilità ay nagbigay ng pagkakataon sa mga non-EU nationals na carta di soggiorno holders upang magkaroon rin ng social card, ngunit ang mga Poste Italiane ay hindi tinatanggap ang kanilang aplikasyon.

Isang buwan na ang nakakalipas ng mapag-alaman ng Stranieriinitalia.it na ang mga websites ng Poste Italiane (tumatanggap ng aplikasyon at nagbibigay ng card) at ng Inps (nagbibigay ng benepisyo) ay hindi updated. Sa katunayan, hanggang kaninang umaga sa Posteitaliane.it ay malinaw na nakasulat na nangangailangan pa rin ng italian citizenship, at Inps.it naman ay isinulat na kabilang ang mga migrante na maaaring mag-aplay ng social card kahit pa ang mga operators sa call center ay patuloy na tinatanggihan ang mga migrante.

Maraming mga migrante ang sumubok na magkaroon nito ngunit nabigo. “Marami ang nagpa-tulong mag-fill up ng application sa amin. Ngunit ng magsa-submit na sila sa mga post offices ay tinatanggihan sila”, reklamo ni Claudio Piccinini, ang coordinator ng immigration office ng patronato Inca CGIL.

Hindi lamang misinformation, hindi rin updated ang software ng mga post offices. “Pag nagpunta sa posta at dala ang balita kung saan nasusulat na ang migrante ay maaaring mag-aplay nito, ang mga operators ng posta ay hindi ma-insert ang mga datos ng migrante dahil ang tinatanggap na datos lamang sa citizenship ay I, IT o ITA”, paliwanag buhat sa Inca.

"Hindi ito makatarungan, ang Inps at Poste Italiane ay hindi ito dapat ipagkait dahil sa misinformation o dahil sa problema sa computer, dahil ito sa nasasaad sa batas. Nade-delay ba dahil ang beneficiaries ay mga dayuhan? Ito ay isang diskriminasyon”, reklamo ni Piccinini. “Ang aplikasyon ng mga migrante ay kailangan tanggapin at ang benepisyo ay kailangang ibigay simula Enero 2014”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rhome, Rome is home!

Ita-Fil Care patuloy sa ikalawang proyekto